Ang Food and Drüg Administration (FDA) ay nagbigay ng babala sa pagbili at paggamit ng cologne spray na ibinebenta ng kumpanya ng aktres na si Toni Gonzaga at vlogger na si Winnie Ong.
Sa pamamagitan ng post-marking surveillance, natuklasan umano ng FDA na walang valid Certificate of Product Notification ang POUF! Everyday Bloom Cologne Spray.
Dahil dito ay sinabi ng FDA na hindi tiyak ang quality at safety sa paggamit ng nasabing cologne.
Posible anilang magdulot ng health risks ang nasabing produkto sa mga customers.
“Potential hÃ¥zards may come from ingredients that are not allowed to be part of a cosmetic product or from the contamination of heavy metals,” saad sa abiso ng ahensya.
Kaya naman nagbigay na ng abiso ang ahensya sa publiko na huwag ng bumili ng naturang produkto.
“All concerned establishments are warned not to distribute violate cosmetic product until they have fully complied with the rules and regulation of the FDA,” pahayag pa nito.
Pinasisiguro rin sa lahat ng FDA Regional Field Offices and Regulatory Enforcement Units, katuwang ang mga law enforcement agency at lokal na pamahalaan, na hindi maibebenta sa merkado ang produkto.
***
Source: Abante
No comments:
Post a Comment