Monday, January 11, 2021

GRAAAAABBBEEE! YouTube star na si Cong TV, ipinasilip ang kanilang bagong mansion.

 Ipinasilip ni Lincoln Velazquez o mas kilala bilang Cong TV ang kanilang bagong "Payamansion" sa pamamagitan ng pag post ng video sa kaniyang YouTube channel.

Noong Biyernes, January 8, ay nag post ng video at ipinakita ni Cong ang kaniyang pamamaalam sa lumang payamansion at ipinasilip ang bagong titirahan ng kaniyang grupo na kung tawagin ay Team Payaman.

Bukod sa ganda at laki ng bagong mansyon ni Lincoln Velazquez, ipinakilala din niya ang kanilang bagong caretaker na si Kuya Inday. Kapansin pansin ang pagiging camera shy ng nasabing caretaker na tila bagong kagigiliwan ng bawat miyembro ng Team Payaman at kanilang mga subscribers.
[Photo from Google Images]

Sa kasalukuyan, mayroong 7.55 million subscribers ang YouTube channel ni Cong TV at halos tatlong milyon na ang nanonood sa video ng tampok ang kanilang bagong mansyon.
[Image from YouTube]

Bagamat hindi nabanggit ni Lincoln ang buong detalye ng bahay gaya ng lokasyon, sukat at dami ng kwarto sa kaniyang video. Ay nag bahagi naman ng ilang mga larawan ang kaniyang girlfriend na si Viy Cortez sa kaniyang Facebook account.
[Photo credits Viy Cortez Facebook]

[Photo credits Viy Cortez Facebook]

Bumida naman sa video ang common area na ito na may mahabang sofa kung saan nagkwentuhan at nagkatuwaan ang tropa.

[Photo credits Viy Cortez Facebook]

[Photo credits Viy Cortez Facebook]

[Photo credits Viy Cortez Facebook]

Tampok din ang eleganteng conference room na ito. Na ayon kay Cong ay maaaring pag ganapan ng kanilang mga business meetings.

[Photo credits Viy Cortez Facebook]

[Photo credits Viy Cortez Facebook]

Panuorin sa ibaba ang viral na YouTube video ng Team Payaman.

No comments:

Post a Comment