Friday, January 8, 2021

Mamahaling motorsiklo ang pamaskong handog ng isang YouTube star para sa kaniyang production team.

 Habang ang ilang mga ninong at ninang ay nagtatago o tinataguan ang kanilang mga inaanak nitong nagdaang kapaskuhan. Ay iba naman ang eksena ng rising YouTube at Facebook star na si Ryan Reyes a.k.a Ninong Ry ay naging abala sa kaniyang inihandang pamaskong sorpresa para sa kanyang solidong production team.



Nagdesisyon ang chef-slash-content creator na regaluhan ang kanyang hard-working team ng tig isang Vespa black 125 scooters na nagkakahalaga di umano ng isang daan at limampung libong piso (150,000) bawat unit. Ito'y sukli sa kanilang suporta at pagtulong sa vlogging career ni Ninong Ry.

Ang kaniyang camera man na si Ian at video editor na si Jerome ay binigyan niya ng tig-isang motorsiklo at kalaunan ay pasorpresa itong binigay sa kanila. Tumawag si Ninong at sinabing lumabas sila ng bahay para sa kanilang pamasko. Bumungad sa dalawa ang motor na pasimpleng ipinarada sa labas ng kani-kanilang bahay. Halos mapaiyak pa si Ian at hindi parehong hindi makapaniwala ang dalawa sa kanilang natanggap.

“Maliit na regalo lang, para naman maramdaman nila na na-a-appreciate ko ang mga efforts nila, mga sakrispisyo nila sa vlog na to, Kasi kung walang Ian at Jerome, walang Ninong Ry. Tandaan niyo yan.”

            Photo from Ninong Ry Facebook

Yan ang isa sa mga binitawang salita ng internet sensation na mayroong 1.4 million Facebook followers at 444k YouTube subscribers sa loob ng halos wala pang isang taon, mula ng magsimula siya ng cooking vlog.

Personal na sinadya ni Ninong Ry ang tindahan ng motor sa Quezon City at sinabing, “Matagal ko nang gusto talagang ibigay sa kanila to eh, kasi deserve nila to eh. Sobrang deserve nila to, kasi yung dedication nila dito sa ginagawa namin, ibang klase talaga.”

Narito ang kaniyang youtube video: 


No comments:

Post a Comment