Friday, January 22, 2021

Mocha Uson nagsalita na patungkol sa kumakalat na balitang nabuntis siya ng aktor na si Robin Padilla

Nagsalita na ang dating singer at ngayon Deputy Executive Director at the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Mocha Uson patungkol sa kumakalat na balitang nabuntis raw siya ng aktor na si Robin Padilla.
Mocha Uson, Mariel Padilla and Robin Padilla / Photo credit: Facebook and Philippine Star

Sa kanyang Facebook page na “Mocha Uson Blog” itinanggi ni Mocha paratang sa kanya at sinabing walang katotohanan ang isyu at tsismis lamang.

Aniya, sinisiraan lamang sila ni Robin dahil kilala silang mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN? Wala pong katotohanan yang tsismis na yan. Napakabait po nung tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel,” sambit ni Uson.

Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami. Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung anu-ano paninira ang iniimbento nila. Lunch break! Workout na muna tayo!” dagdag niya.

Kagabi pa lamang ay tinapos na ni Mariel Padilla ang haka-hakang si Robin ang tinutukoy sa blind item.

Sa kanyang Instagram ay ipinost ni Mariel ang larawan ng asawa at may caption na:

So many people are sending me messages... ‘checking’ on me. People are tagging me bla bla bla... let me tell you this. ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY. He is grieving,” sabi ni Mariel.

He has never been in so much pain all his life. He doesn’t need your baseless gossip. Namatayan ng kapatid yung asawa ko. Please lang po. He doesn’t even know anything about all this rumor but I am putting a stop to this NOW. May oras para maging assholes now is not that time. Please,” dagdag niya.

Basahin ang ilang komento ng mga netizens:


***
Source: Facebook

No comments:

Post a Comment