Monday, January 11, 2021

Nadine Lustre, nag-trekking nga ba ng naka-bikini? Netizens, halo-halo ang reaksyon. Aktres, umalma!

Usap usapan ngayon sa social media ang kumakalat na mga larawan ni Nadine Lustre, na nag trekking di umano suot ang kanyang bikini. Kasabay nito ang bulung-bulungang, na baka nga'y totoong nagkabalikan na sila ng dating nobyo na si James Reid. Ilan sa kanilang mga kaibigan ay tila kinukumpirma ito at ito'y naganap nuong kasagsagan ng community quarantine.


Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, walang kumpirmasyong natatanggap mula sa panig ni James o Nadine. Gayunpaman, may isang larawan na ipinost ang actor at napansin ng ilang fans na parang si Nadine ang babaeng nakasuot ng puting croptop shirt at taas ang kanyang kanang kamay.

Bukod sa larawang ito ay ang ilang maiiksing video clips na ibinahagi ni James sa kanyang social media account na magpapakita ng mga magagandang tanawin mula sa kaniyang paglalakbay.
[Photo credit Nadine Lustre Facebook]

[Photo credit James Reid Instagram]

Mula naman sa mga larawan na naka post sa Facebook page na Saka Ta Bai (isang tourist guide page), makikita rito ang isang babaeng naka puting damit at bikini, dala-dala ang isang malaking itim na backpack na di umano'y si Nadine Lustre. Pilit iniuugnay ng ilang mga netizens ang larawang ito, sa larawan na inupload ni James Reid.

Ito ang caption ng uploader sa kaniyang Facebook post noong January 8, na kasalukuyang may 1.8k comments, 4.9k shares at 7k reactions.

“Girls, gayahin niyo si Nadine. Ganito ang suot pag may river crossing, ok? 'Di ung naka trekking shorts/pants or leggings kayo. Ang bigat kaya nun pag nabasa. Tsk.”



Ayon sa karagdagang ulat, sinagot naman ng kapamilya star ang ang trending photos at sinabing ayaw niyang magsuot ng basang maong shorts habang nag hihike.

Nilinaw din naman ng uploader at makikita rin sa comment section ng orihinal na post, ang litrato ni Nadine, suot ang kanyang salawal bago tumawid ng ilog na parte ng trekking. 




No comments:

Post a Comment