Base sa datos o pag aaral, isa sa mga epekto ng overthinking o ang masyadong pag iisip ay ang pagkabalisa. At alam mo ba na 85% ng inaalala natin ay hindi naman talagang mangyayari. Isipin mo na lang, yung hindi pa nangyayari. Iniisip mo na agad, pinoproblema mo pa.
Ngunit hindi natin masisisi ang tao na mag alala o mag isip. Maaring base sa kanilang sariling karanasan kaya ganun na lang sila mag alala, maaaring pinaghahandaan lang nila ang mga hindi kanais-nais na kahihinatnan ng isang bagay o sadyang ganun lang talaga sila magisip. Marahil marami kang kilala o baka ikaw mismo ay isang OVERTHINKER!
Ito ang limang paraan para maiwasan o ma-control ang labis na pag-iisip.
1. Diversion o pag lihis ng iyong mga isipin - Kailangan mong humiwalay sa labis na pag-iisip na nakakaapekto na sa iyong emosyon. Ilihis ang iyong atensyon kung saan manunumballik ang iyong sigla. At kapag kalmado na ang iyong isipan ay mas madali mo ng masosolusyunan o malalabanan ang iyong mga suliranin.
2. Pagpaplano ng iyong gawain - Makakatulong sa iyong pag-iisip ang pagkakaroon ng konkretong plano. Kapag napaghandaan mo ang mga bagay-bagay, maiiwasan mong magisip ng lubusan dahil alam mo na kung papaano ito haharapin.
3. Huminga ng malalim - "Inhale, Exhale" ika nga. Mag- relax at iwasan ang stress. Subukan mong tanungin ang sarili kung makakatulong ba ang gumagambala sa iyong isipan o lalo lang itong magpapalala. Mag-focus sa kung ano ang nasa kasalukuyan at mas mahalaga.
4. Humingi ng tulong - Kapag hindi na kaya, tawagan mo siya. Ibulalas ang iyong saloobin at pag aalala. Malay mo siya pala ang makakatulong sayo na makahanap ng solusyon sa iyong mga pinoproblema. Wag mahiyang magbahagi ng bigat ng nararamdaman sa kaibigan lalo sa pamilya.
5. Look on the brighter side o maging positibo - Sa halip na isipin mong baka ikaw ay masisante sa trabaho, baka naman suspindihin ka lang. Itong crush mo na hindi ka pinapansin eh baka dahil siya ay, nagpapansin lang. Baka kaya tayo nawawalan kasi baka may papalit o paparating na bago.
Imbis na tutukan ang pagiisip ng hindi maganda, ugaliing mag-focus sa maaaring may maidulot na maganda.
Lahat naman ng sobra ay nakasasama sa atin, lalo na kung ito ay tungkol sa ating nakaka-apekto sa ating emosyon. Pero kung iyong titimbangin. Lumalamang ka ba o lalo ka lang natatambakan?
Wala namang masama kung ito ay iyong susubukan. Malay mo unti unti mong maiwasan ang labis na pag iisip o pag aalala.
No comments:
Post a Comment