Saturday, January 2, 2021

Sec. Duque sinabing magsisimula ang Covid-19 vaccination nitong darating na Marso

Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na magsisimula ang C0vid-19 vaccination sa Pilipinas nitong darating na Marso.
DOH Secretary Francisco Duque III / Photo credit: BusinessMirror

Sa isang interview ng TeleRadyo kay Duque noong Biyernes, January 1, sinabi ng kalihim na mismong si Sec. Carlito Galvez Jr, ang vaccine czar, ang naglabas ng impormasyon.

"Mga March hanggang mga second quarter 'yan tapos tuloy-tuloy na daw 'yan hanggang sa marating natin 'yung 60 to 70 percent ng population kasi ang goal natin ay herd immunity,” sabi ni Duque.

Ang bansang Amerika ay hindi naging matagumpay sa kanilang target number of vaccination kamakailan, kaya naitanong din kay Duque kung mayroon na ba silang naisip na stratehiya upang maiwasan ang kaparehong problema.

Ani Duque, nagtutulong-tulong ang iba’t ibang sangay ng gobyerno upang maipatupad ang magandang plano.

.. ‘yan ang tinututukan ng atin pong vaccine czar kasama ng DOH, ano po, at ang PNP, AFP, para talaga ‘pag ni-roll out natin ay naaayon doon sa ating detalyadong plano.”
DOH Secretary Francisco Duque III / Photo credit: BusinessMirror

Dagdag pa niya, mayroon daw ginawang ‘formula for the prioritization’ ang gobyerno kung sino ang mga dapat unahin na bakunahan.

Ito ay ang mga sumusunod:

Healthcare workers, senior citizens, individuals exposed to the sick, indigent families, at uniformed personnel, katulad ng PNP at AFP.

Ika-cascade po natin ‘yang formula na ‘yan sa lahat po ng regions, provinces, cities, municipalities, hanggang sa barangay level.

Samantala, hindi naman nabanggit ng kalihim kung anong klase ng bakuna ang kanilang gagamitin.


***
Source: KAMI

No comments:

Post a Comment