Ang pagiging teacher ay totoong hindi madaling trabaho. Bukod kasi sa mga paperworks na kailangan nilang gawin ay pati ugali ng kanilang mga estudyante ay nagiging problema rin nila.
Mayroong mga teacher na walang pakialam kung matuto man o hindi ang kanilang mga estudyante. Sila yung tipong ipapasa ka kahit wala kang natutunan sa loob ng isang taon.
Mayroon din namang mga klase ng teacher na hinding hindi ka papasa kung wala ka man lang natutunan at lahat ng mga assignments o projects mo ay hindi mo naipapasa.
Tulad na lamang ng isang estudyanteng tila binastos ang kanyang teacher matapos siyang ibagsak nito.
Sa Facebook post ng guro na si Ana Blanchie Flores Benedicto, in-upload nito ang ilang screenshots ng mensahe sa kanya ng kanyang estudyante.
Ayon sa post ni ma’am Ana, isang taon na umano ang kanyang ibinigay na palugit sa estudyante upang makumpleto ang mga “incomplete” (INC) nito.
Hindi rin daw nagkulang ang teacher sa pagpapaalala na kumpletuhin ang mga INC nito ngunit sa huli ay siya pa rin ang sinisisi.
Sa ngayon ay umabot na sa 11k reactions, 1.7k comments at 9.8k shares ang post ng teacher.
Narito ang buong post ni teacher Ana:
“Nagbigay kana ng almost 1 month to prepare for the final exam, 2 weeks to complete their requirements, and a year to fix their INC plus hindi ka nag kulang sa pagpapaalala ng deadlines at pagbibigay ng extension para lahat makapag pasa but at the end of the day, KASALANAN PARIN NI TEACHER KAPAG HINDI NAKAPAGPASA. Ilang sem na po akong wala sa ISU at ngayon mo lang nalaman na INC ka pala. Now tell me, LATE MO NALAMAN BECAUSE??
I didn't fail you, you failed to do your part as a student
(Sorry about this post but this student is really something)”
Ayon sa estudyante, hindi raw niya alam na may INC siya.
“Wala kayong awa sa mga studyante nyo haha boring sayang lang effort ko sayo ma’am haha di nalang sana kita naging subject teacher,” sabi ng estudyante.
Dagdag pa nito, hindi raw bagay na maging public school teacher si ma’am Ana.
“Di kayo bagay mag turo sa public ma’am kasi pang private ka lang haha. Masyadong mataas IQ mo wala kang awa sa mga studyante mo,” dagdag nito.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
***
No comments:
Post a Comment