Wednesday, March 24, 2021

23 anyos na lalaki pinakasalan ang 38 anyos na ginang kapalit ang $100k, Ferrari, Alahas, Bahay at lupa

Age doesn't matter, ito ang madalas sinasabi ng karamihan, lalo na kung tayo ay umibig sa may malaking agwat ng edad sa atin.

Nag viral sa social media ang isang kasalan, sapagkat ito kasalan na kung saan ang bride ay edad 38 anyos, samantalang 23 anyos naman ang groom.

Marami ang nagulat dahil sa layo ng kanilang edad, ngunit nagustuhan pa rin si bride ng kanyang groom.

Upang mapatunayan ang kanilang pagmamahalan, sila ay ikinasal noong January 9 sa Qionghai, Hainan Province sa China.


Ayon sa ET Today News site aalagaan ng lalaki ang kanyang asawa sapagkat bukod sa dahilang ito ay may edad na, ang asawa ay buntis din.

Nagulat pa umano ang ina ng groom sapagkat halos magkaedad lang sila ng mapapangasawa ng kanyang anak sapagkat isang taon lang ang kanilang agwat,  at me anak si bride na nagkaka edad 14 anyos.

Sa una ay ayaw talaga ng ina ng groom ang kanyang mamanugangin, ngunit ito ay nagbago.


Galanteng nag offer ang mayaman na bride ng malaking bahay at lupa, ferrari at 100 dollars, dahilan upang matuloy ang kanilang kasal na sa una ay hinadlangan ng ina ni groom.

Masayang masaya ang bride na napupuno ng alahas, nagkagulo at namangha ang dumalo sa kanilang kasal na kumukuha ng mga litrato na sakay si bride at groom ng sportscar na siyang pagma may ari ng mayaman na bride.



Hati ang mga netizens, kanya kanyang opinyon. Sabi ng iba, yaman lang ang habol ni groom sa bride.

Samantalang ang iba ay naniniwala sa pagmamahal ni groom kay bride at ito ay kanilang nirerespeto.

***

Source: Artikulo UNO

No comments:

Post a Comment