Thursday, March 4, 2021

DJ Chacha hinamon ang Rappler: "Hanap kayo ng resibo na may paninira ako sa oposisyon o pagsuporta sa administrasyon"

Hinamon ni DJ Chacha ang online news site na Rappler na maglabas ng resibo o mga katunayan na nagsasabing kumita siya sa pagsuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte simula pa noong 2017.
DJ Chacha / Photo credit: ABS-CBN and Rappler

Sa kanyang tweet, sabi ni DJ Chacha, “Hanap kayo resibo na may shinare ako na post or tweet ng paninira sa oposisyon o pagsuporta sa administrasyon.

Kamakailan ay naglabas ng artikulo ang Rappler kung saan maraming celebrity personality ang nabanggit na kumita umano sa pag endorso at pagsuporta kay Pangulong Duterte.

Mas lalo pang naging maingay ang isyu matapos maglabas ng opinyon si Megastar Sharon Cuneta patungkol sa mga artistang tumatanggap umano ng pera.

Ikinahihiya ko na sabihing kasama ko sila sa industriya,” sabi ni Sharon.

Mariin namang itinanggi ni DJ Chacha ang mga paratang sa kanya.

O siya, isa isahin niyo facebook posts ko nu’ng 2017. KUMU na muna ko mga mars! Dun tayo magkwentuhan mamayang 9pm.”

Matapang din niyang sinagot ang mga komento ng netizens sa kanya.

Dati na yan. Lagi ko binabanggit ‘yan s’ya wala pang pandemya sa MOR gabi-gabi lagi nya pino promote si Digong, ‘tas lagi bukambibig ‘wag daw puro reklamo sa gobyerno tayo nalang daw mag presidente. E umugong na balita ipapasara ni Digong ang @ABSCBN nigla nagiba na tuno nya,” sabi ng isang netizen. 

Sagot ni DJ Chacha, “Huwaw hahahahaha resibo sist (sister).”


Sabi ulit ng netizen, “Wait natin… for the resibo pero di maiaalis ang fact na you’re supporting Digong nu’n dipa pinapasara ang @ABSCBN. At sa programa mo lagi ka nagpapasaring sa aming mga kritiko na panay reklamo sa gobyerno ni tatay Digong.”

Bakit kase hindi sinama ‘yung resibo saken? ‘Yung ibang stars andun ‘yung propaganda posts daw? ‘Yung saken nasaan?”sagot naman ng radio personality.

Sabi naman ng isa pang netizen, nagpadala raw ng e-mail ang nasabing website kay DJ Chacha noong Feb. 16 “to ask for comment but she didn’t reply.

Tugon ni DJ Chacha, “Hi Bonz! I didn’t reply because VCM management replied on behalf of their talents. But still, the headline is misleading show evidence na may propaganda ‘yung post ko.
Mocha Uson, Paulo Avelino and Jasmin Curtis Smith / Photo credit to the owner

Samantala, bukod kay DJ Chacha, kasama rin sa listahan ng umano’y nagpapakalat ng propaganda ng Duterte administration ay sina Assistant Secretary of the Presidential Communications Operations Office (PCOO), Mocha Uson, Jasmin Curtis at Paulo Avelino.


***
Source: Inquirer

No comments:

Post a Comment