Tuesday, March 30, 2021

Keanna Reeves minura si VP Robredo

Hindi napigilang murahin ni Janet Derecho Duterte o mas kilala bilang Keanna Reeves si Vice President Leni Robredo patungkol sa tila pagpapahayag nitong hindi maganda ang pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon dahil sa pagkahiwa-hiwalay ng mga tao.
Keanna Reeves and Vice President Leni Robredo / Photo credit: Philippine Star and Daily Guardian

Sa isang interview kay Robredo sa Radyo Katipunan’s “All Kaps! Ateneo Level Up,” sinabi nitong dapat raw ay pag-usapan na ang tungkol sa 2022 elections kahit na mayroon tayong kinakaharap na pandemya.

Aniya, malaki raw ang nakasalalay sa darating na election.

Ako, tingin ko yung election sa 2022 dapat pag-usapan. Too much is at stake in 2022,” sabi ni Robredo.

Para sa akin, pag naghiwahiwalay tayo, baka ang resulta nito another six years of this kind of governance. Kayanin pa kaya natin?” dagdag ng bise presidente.
Photo credit: Daily Guardian

Dahil sa kanyang mga sinabi ay nagpakawala ng maaanghang na salita si Keanna.

Ayon sa Facebook post ni Keanna, parang hindi raw parte ng gobyerno si Robredo kung magsalita. 

Dagdag pa niya, wala raw nagawa si Robredo bilang bise presidente. Aniya, “Sana nagNPA ka nalang maintindihan kapa namin GAG*!!!”

Narito ang kanyang buong post:

“Kung magsalita ang hay0p!!! Sa kaBOB*han mo, bakit hindi kaba kasali sa gobyerno ngayon??? Ang taas ng position mo VP tapos wala kaman lang nagawa  HAY0P ka!!! Sana nagNPA ka nalang maintindihan kapa namin GAG*!!!

Dati hindi kita minumura pero bagay lang din pala sayo puro ka reklamo!!!

(Tips: Pag magpost kayo itagalog n’yo nalang ang bad words kasi baka iblock kayo ng FB)”

Narito ang ilang komento ng mga netizens:





***

No comments:

Post a Comment