Thursday, March 25, 2021

Naging Katatawanan, Nakain ng Netizen "Mantikang Baboy Ice Cream"

Naging normal na sa ating mga nanay ang mag imbak ng pagkain sa freezer upang mas makatipid sa gastusin sa pagkain. 

Gamit ang mga recycled container gaya ng ice cream container, maari itong paglagyan ng isda at karne.

Ngunit naging kakaiba ang experience ni Kristine Mae Asi na sobra niyang ikinainis at ikinadismaya.



Sabik na sabik si Kristine ng makita ang isang container ng ice cream, ngunit sa bandang huli ay halos maluha si Kristine sa "lasang chicharon" na ice cream at mamanti mantika pa.

Sa unang tikim pa lamang ay ipinagataka na ni Kristine ang kakaibang lasa ng ice cream na kanyang kinain.

" Yung excited na excited ako mangain ng ice cream pero isang subo ko palang nagtaka agad ako kung bakit lasang chicharon!!!! kung sinuman naglagay ng mantika ng baboy sa lagayan ng ng ice cream. Wag mo muna ako kausapin!"


Sa itsura palang ng mantika ng baboy na tumigas dahil nilagay sa freezer, kahit sino ay mapagkakamalan itong ice cream.

Di aakalain ng kahit sino na ito ay mantika ng baboy kung ito'y di matitikman.

Labis ang pagkadismaya ni Kristine sa pag aakalang ice cream ang kanyang kinain, na siyang nagdulot ng katatawanan sa mga Netizens na nakabasa sa kanyang post.


 Eto ang komento ng mga Netizens

"Unang kagat mantika lahat."

"Dati isda nakalagay sa mga lagayan ng ice cream ngayon mantika na. hahahahaha. prito well."

"Hahahahaha ice cream na naging sebo pa."

"Kahit ako makakain ko rin siguro yan, lalo na pag takam na takam ka sa ice cream di mo talaga mapansin"

"Ingat sa nilalagay sa ice cream."

Nawa ay maging aral ito sa mga mahilig kumain ng ice cream.

***



No comments:

Post a Comment