Madalas ka bang sabihan ng iyong mga magulang tuwing kayo ay nasa hapag kainan na ubusin mo ang iyong pagkain? Huwag kang magtira o huwag mag sayang ng pagkain?
Kung OO, malamang kasunod nito ay ang kanilang pagpapaalala sayo na hindi lahat ng tao ay may kakayahang makapaghanda ng maayos at malinis na pagkain kagaya ninyo.
Imahe mula SCMP Video | Facebook
Lingid sa kaalaman ng karamihan na ito ay isang reyalidad na tinatamasa ng ating ilang kapwa pilipino lalo na sa lugar ng Payatas, Quezon City. Kung saan ang karamihan sa mga residente dito ay mismong sa bundok ng basura naghahanap ng makakain.
Mga pagkaing tira-tira mula sa ibat'-ibang tahanan, opisina o restaurant na matatagpuan at kinokolekta mula sa gitna ng gabundok na basurahan. Ito ang tinatawag nilang PAGPAG.
Imahe mula SCMP Video | Facebook
Imahe mula SCMP Video | Facebook
Sa isang dokumentaryo ng SCMP Video, nakapanayam nila ang isang regular na nangangalakal ng pagpag na si Myrna Salazar.
Imahe mula SCMP Video | Facebook
Ayon kay Myrna, 20 years na niya itong ginagawa at sa kanyang palagay depende sa tibay ng iyong resistensya kung ikaw ay dadapuan ng sakit mula sa pagkain ng pagpag.
Dagdag pa nito, bukod sa kanilang pang sariling pagkain ay kumikita din sila ng 200-300 kada linggo mula sa pagbebenta ng pagpag sa kanilang mga kapit-bahay.
Imahe mula SCMP Video | Facebook
Isang residente ng payatas na bumibili nito kay Myrna ay si Susana Abrera. Sa panayam kay Susana, ibinahagi niya kung papaano niya ipineprepara ang biniling pagpag bago pagsaluhan ng kanilang pamilya.
Imahe mula SCMP Video | Facebook
Ayon sa kanya, pagkabili niya ng pagpag ay hinuhugasan niya ito ng tatlong beses at pinakukuluang mabuti hanggang sa matuyo ang tubig na pinagpapakuluan.
Adobo ang madalas na luto dito at halo-halo o sama-sama na ang mga karne ng baboy, manok at kung anu pa sa isang putahe.
Imahe mula SCMP Video | Facebook
At dahil sa ang mga pagkain na ito ay nahalo na sa ibat't ibang klaseng basura, hindi naaalis sa kanilang pangamba na magkasakit. Kaya naman tuwing sila ay may nararamadaman matapos kumain ng pagpag ay kaagad silang pumupunta sa pampublikong klinik para magpasuri.
Ayon kay Susana, laking tipid nila dito dahil sa murang halaga ay mabibili ang isang supot ng pagpag.
Imahe mula SCMP Video | Facebook
Imahe mula SCMP Video | Facebook
Nasa 20-30 piso ang bentahan nito at apat na beses sa isang linggo nila itong inihahain sa kanilang hapag-kainan.
Sa hirap ng buhay ay pati mga apo ni Susana ay naging regular na rin itong kinakain. Ayon sa mga apo nito nais nilang magkaroon ng maayos at disenteng trabaho paglaki nila upang sa ganun ay hindi na nila kakailanganing kumain pa ng pagpag magpakailangman.
Imahe mula SCMP Video | Facebook
Imahe mula SCMP Video | Facebook
Source: SCMP Video | Facebook
No comments:
Post a Comment