Sunday, March 14, 2021

Video ng pagka-aresto kay pool legend Efren “Bata” Reyes, viral sa social media

Naaresto kamakailan ng mga barangay officials at pulis ang pool legend na si Efren “Bata” Reyes matapos umano nitong sumali sa paglalaro ng billiards sa San Pedro City, Laguna.
Photo credit to the owner

Makikita sa video si Reyes kasama ang ilang mga taong naglalaro at nanonood sa nasabing laro.

Mapapanood rin sa video ang pagkumpiska ng mga pulis sa billiards equipment. Ayon sa kanila, wala raw permit ang ginawang paglalaro.

Ang mga pulis ay nakasuot ng swat t-shirt at may dalang assault rifle habang iniisa-isa ang mga taong nasa bilyaran.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Batay sa protocols, ang larong bilyar ay isa sa mga pinagbabawal na sports ngayong pandemya.

"Lahat ng andito, wala ng aalis, wala ng tatakbo. Sa barangay tayo," maririnig sa video.
Photo credit to the owner

Si Reyes ay edad 66-year-old at ayon sa protocols ay hindi dapat lumalabas ang mga katulad nilang senior citizens.

Panoorin ang video sa ibaba:


Umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang naging asta ng mga pulis sa nasabing video.






***
Source: KAMI

No comments:

Post a Comment