Sunday, April 25, 2021

Arnel Ignacio tinawag na ‘nagkukunwaring anghel’ si Angel Locsin

Samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens at mga artista ang nangyaring kontrobersyal sa isinagawang community pantry ng aktres na si Angel Locsin kung saan isang senior citizen ang nahimatay habang nakapila at idineklarang de*d on arrival sa ospital.
Arnell Ignacio and Angel Locsin / Photo credit to the owner

Sa dami ng taong pumila ay hindi na nasunod ang social distancing at ilang safety protocols.

Sa kanyang Facebook account ay naglabas ng kanyang saloobin si Arnel Ignacio kung saan sinabi nitong "nagkukunwaring anghel" si Angel Locsin.

Ayon kay Arnel, mawawalan ng saysay at silbi ang ginagawang effort ng gobyerno upang ma-kontrol ang pagdami ng kaso ng C0VID-19 sa ating bansa.

Birthday e nilansi na naman ang mamamayan sa mapagpanggap na kabaitan ng isang nagkukunwaring anghel,” sabi ni Arnel.

Narito ang kanyang buong post:

"may namatay ng isang senior citizen dito at sigurado. marami pang magkakahawahan

birthday e. nilansi na naman natin ang mamayan sa  mapagpanggap na kabaitan ng isang nagkukunwaring anghel

dito na hoh0stage ang position ng gobyerno. yung kapitan kapag hindi pinayagan, yare sa socmed,ang  mayor ganun din at buong gobyerno na magsasabing mali ito.

sigurado naman me madadale rito sa hawahan ng c0vid at hindi naman pananagutan yan ng bumuo nito  na hindi totoong inisip ang buelta nito sa c0vid crisis.

mas madalas sa hindi , government ay dehado sa ganitong laban. ang kalaban e kayang pasukin ang damdamin ng kanyang kausap papunta sa kanyang isipan. so kahit na mali ito ang iisipin niya ay tama.

i pray that government realizes the immense  power of mass communication, learn it  then use it well against the enemies who have mastered it.

ang mensahe parang pagkain nasa tamang paghahain ,sakto sa oras ng gutom at nilalapag nang umuusok usok pa ang ulam at kanin dinadagdagan pa ng patis at mapulang sili at calamansi ang pagkain pinatitikim at pinalalasap ng naghahain hindi pinapaliwanag kung bakit mabuti at masarap at sa nagbuo nito, wag tayong maglokohan na pagtulong ang gusto niyo pati kahirapan ng tao pinagsamantalahan ninyo."

Maging sa kanyang Facebook live ay binanatan rin ni Arnell si Angel.

“Eh p********, ikaw, iikot ka diyan, mamimigay ka, ano ka? Alam na alam naman natin magkakagulo yan. Huwag na tayong mag-eklatan dito. Magtarantaduhan. P********a naman eh. Diyos ko naman. Nakakapang-gigil yung ganun, eh. Hindi natin alam yun? sa totoo, hindi natin alam?” sabi ni Arnell.

Panoorin ang video sa ibaba:


***

No comments:

Post a Comment