Saturday, April 3, 2021

Doctor-vlogger ipinakita ang ebidensya na totoo ang C0Vid-19

Isang sikat na vlogger at doctor ang nagpaliwang o nagpakita ng ebidensiya na totoong mayroong kumakalat na virus ngayon sa buong mundo.
Photo credit: Dr. Kilimanguru

Sa kanyang Facebook post ay ipinaliwanag ni Winston Kilimanjaro Creones Tiwaquen o mas kilala bilang ‘Dr. Kilimanguru,’ na totoo ang coronavirus na nagpapahirap hindi lang sa ating bansa, kundi sa buong mundo.

Ito ay sa kabila ng ilang mga tao na hindi umano naniniwala sa C0vid-19. Anila, gawa-gawa lamang daw ito at pinagkakakitaan ng mayayamang negosyante at gobyerno.

Nakakalungkot isipin na sa kabila ng ating pinagdaraanan at sa dami ng taong namatay ay mayroon pa ring hindi naniniwala. Kaya naman patuloy ang pagtaas ng cases ng mga positibo sa ating bansa.
Photo credit: Dr. Kilimanguru
Photo credit: Dr. Kilimanguru

Ipinakita ni Dr. Kilimanguru ang itsura ng C0vid-19 sa pamamagitan ng isang microscope.

Aniya, “Asaan daw ang ebidensya? Ito ang hitsura ng COVID-19 virus sa ilalim ng transmission electron microscope. Ang imaheng ito ay nakuha sa Rocky Mountain Laboratories sa Hamilton, Montana, USA.

Dagdag pa niya, nasa modernong panahon na tayo ngayon kaya dapat ay hindi na raw tinatanong kung totoo ba ang virus o hindi.

Narito ang buong post ni Dr. Kilimanguru:

“Asan daw ang ebidensya? 

Ito ang itsura ng COVID-19 virus sa ilalim ng transmission electron microscope. Ang imaheng ito ay nakuha sa Rocky Mountain Laboratories sa Hamilton, Montana, USA.
Photo credit: Dr. Kilimanguru

Ang ganitong klaseng microscope ay hindi available sa lahat ng laboratory dito sa Pilipinas at hindi cost-efficient pag lahat ng sample ng pasiyente ay ipapatest ng ganito. 
Photo credit: Dr. Kilimanguru

Kaya meron po tayong RT-PCR na mas accesible para sa lahat. Ang dinedetect ng RT-PCR ay ang genetic code ng virus. Kung may DNA test para malaman kung sino ang ama ng anak mo, ang RT-PCR ay parang DNA test para malaman kung may COVID-19 virus ka sa sistema mo. 

2021 na. Hindi na dapat tinatanong kung totoo ba ang COVID dahil marami ng nawalan dahil sa virus na ito.”

Sa comment section ay nag-iwan rin ng babala ang doctor na i-bloblock niya ang mga netizen na patuloy ang pagbabalewala sa pagsunod sa mga health protocols na ipinapatupad ng gobyerno.

Aniya, hindi raw talaga matatapos ang pandemya kung may mga taong mali ang mindset.

Sorry magba-block po talaga ako ng mga sarado ang utak kasi isa po kayo sa mga rason kung bakit tumataas ang kaso. Hindi na po matatapos ang pandemya kung ganyan po ang inyong pag-iisip.”


Samantala, panoorin ang video sa ibaba hinggil naman sa mga sakit na maaaring ma-trigger dahil sa COVID-19.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:






***

No comments:

Post a Comment