Iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang nangyaring pagkakagulo at insidente sa isinagawang community pantry ng aktres at philanthropist na si Angel Locsin.
Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr and Angel Locsin / Photo credit: Interaksyon and Facebook
Ang mas nakakalungkot pa ay mayroong isang senior citizen ang inatake at binawian ng buhay habang nakapila sa nasabing community pantry.
Dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay humingi ng pasensiya si Angel.
“Hindi po ito ang gusto ko. Nagsimula po kami na maayos po ang aming layunin. Pati ang pagpa-plano ng social distancing. Nagkataon lang po siguro talaga na gutom lang ‘yung tao na kahit wala po sa pila sumisingit na po sila,” sabi ni Angel.
Angel Locsin / Photo credit: Facebook
Angel Locsin / Screengrab from TV Patrol
“Pasensiya po, pasensiya po. Gusto ko lang po i-celebrate ‘yung birthday ko sana na makatulong po ako sa mga tao. Hindi ko po intensyon na makagulo. Pasensiya na po,” dagdag nito.
Para naman kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., hindi kailangan ng kapatawaran ni Angel Locsin.
Ayon kay DFA chief Locsin, gusto lamang ng aktres na makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan.
Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr / Photo credit: Rappler
“No forgiveness needed; at least she tried to feed them; one was so starved and weak she couldn’t feed him in time,” tweet ni Locsin.
Aniya, ang dapat umanong sisihin ay ang mga walang ginagawa para makatulong sa kapwa.
“Blame those who don’t do what she and others like her—like my friends from the very start of the pandemic—are trying to do: feed the hungry and not their egos,” dagdag ni Locsin.
***
Source: Teddy Locsin Jr. | Twitter
No comments:
Post a Comment