Marami sa atin ang gustong sumabak sa negosyo, lalong lalo na sa panahon ngayon na marami sa atin ang nawalan ng trabaho kaya naman dumidiskarte tayo para sa ating ikabubuhay sa pang araw-araw.
Ngunit hindi lahat ay sinuswerte pagdating sa negosyo, ang iba naman ay namomroblema sa panimula o puhunan para sa negosyo na gusto nating negosyo.
Meron din naman nagsasabi na ang pagnenegosyo ay kahit maliit lamang ang puhunan basta sabayan lang natin ng tyaga, sipag, tamang diskarte at pananalig sa Panginoon.
Isang halimbawa nito ang mag asawang nagtagumpay sa kabila ng maraming pagsubok na dumating sa kanila ay di nila sinukuan ang pagnenegosyo.
Ang mag asawa ay minimum wager lamang sa isang restaurant sa Probinsya ng Batangas.
Nagsimula ang kanilang adhikain na makapagnegosyo nung kumuha sila ng bahay at lupa na hulugan kahit sila ay minimum wager lamang, hindi sila nawalan ng pag asa na mahulugan ang bahay at lupa na pangarap nila.
Posible talaga na makapagsimula sa negosyo sa halagang pasimula nila ay P100. Paano kaya nila ginawa ito?
Nagsimula silang mag isip ng kung anu anong paninda upang matustusan ang kanilang mga bayarin.
Unang paninda nila ay banana cue, ngunit sila ay tumutubo lamag ng P100-150 lamang, kaya naman naisipan nilang magtinda ng iba pang pagkain na pwedeng itinda.
Sinimulan nila ang pagtitinda ng siomai, naging mabenta ang tinda nilang siomai, talaga namang binalik balikan ang tinda nilang siomai hanggang sa napag desisyunan nalang nila na mag focus na lamang sila sa pagtitnda ng siomai.
Naging matagumpay sila at nakabili ng ilan pang food cart para sa kanilang mga reseller.
Ngayon sila ay kumikita na nang P45,000-50,000 kada araw, at agad nilang natapos ang kanilang hinuhulugang bahay at lupa.
Ang mag asawang ito ay isang inspirasyon sa mga gustong magnegosyo, basta me tiyaga at pagpupursige, hindi malayo na maging matagumpay ang negosyo na ating pinili.
***
Source: Nation's Press
No comments:
Post a Comment