Hindi madali ang pagkakaroon ng negosyo dahil hindi natin alam kung ito ba ay magiging matagumpay at maayos. Minsan ay darating din ang mga problema na talagang susubok sa atin.
Isa na rito ang negosyanteng si Riza Delig Doblas na bulk distributor ng itlog sa General Santos City.
Kwento ni Riza sa kanyang Facebook post, umorder sa kanya ng 1,000 trays na itlog ang isa sa kanyang mga customer. Dahil dati na niya itong customer ay nagtiwala siya at hindi na humingi ng down payment.
Subalit nang araw na inaasahang kukunin na ng buyer ang mga order nitong itlog ay bigla itong nag-back out dahil bumagsak daw ang presyo sa outlet.
Biglang gumuho ang mundo ni Riza dahil hindi niya alam kung papaano at saan niya ibebenta ang mga itlog.
Kaya naman naisip ni Riza na ipost sa social media ang kanyang problema upang makahingi ng tulong sa mga netizens.
“Sa lahat ng mga nakakikilala at hindi nakakikilala sa akin, baka maawa kayo. Pakiusap ko lang pakitulungan ako ngayon. Kinabukasan namin ang nakasalalay dito. Baka need n’yo ng eggs. I-free delivery namin para maibalik lang ang pera na aming kapital,” pahayag niya sa kanyang post.
Kwento niya, magang-maga na raw ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak.
“Masakit na ang ulo ko at masikip na ang dibdib ko. Ang hirap pala magtiwala sa isang tao dahil agad-agad puwede ka nilang ibagsak.”
Tila dininig naman ang panalangin ni Riza dahil marami ang naawa at gustong tumulong sa kanya.
Ang kanyang post ay umabot na sa 10k reactions, 10k comments at 22k shares habang sinusulat namin ang article na ito.
Ang nakaktuwa pa ay hindi lamang sa buong GenSan kumalat ang post ni Riza, maging sa Luzon ay Visayas ay marami ang nagtatanong kung hanggang doon ay kaya ba niyang mag-deliver.
Mabilis na naubos ang 1,000 trays ng itlog na inorder ni Riza. Hindi pa natatapos ang araw ay ubos na agad ang mga ito.
Kaya naman labis ang pasasalamat ni Riza sa mga tumulong sa kanya.
“Naubos din lahat ng itlog. Salamat Abba Yahweh. At salamat sa lahat ng tao na bumili. Salamat, salamat talaga.”
Photo credit to Riza Delig Doblas
Photo credit to Riza Delig Doblas
Photo credit to Riza Delig Doblas
Photo credit to Riza Delig Doblas
Photo credit to Riza Delig Doblas
Photo credit to Riza Delig Doblas
Dahil sa pangyayaring ito ay may natutunan si Riza.
“Yung trust natin wag ibigay ng 100%. Mahirap pala pag salita lang ‘yung pinanghahawakan mo na okey na ‘yung payment naka-ready na. Dapat po pala sa business lalo pa’t malaking pera ang involved mag-secure ng 50% downpayment for assurance na they are committed sa transaction n’yo kasi kung walang downpayment baka bigla na lang nilang ica-cancel yung order, so ikaw yung maiipit sa sitwasyon,” pahayag niya.
***
Source: Kicker Daily News
No comments:
Post a Comment