Tuesday, June 29, 2021

ABS-CBN publicist tinawag na pinakabobong senador si Manny Pacquiao

Noong 2018, tinawag na pinakabobo ng isang ABS-CBN publicist na si Eric John Salut si Senator Manny Pacquiao sa kanyang Twitter account pagkatapos ng labang Pacquiao vs. Mathysee, noong July 14.
Eric John Salut and Senator Manny Pacquiao / Photo from Twitter and MP Promotions

Ayon sa tweet ni Salut, hindi raw umano siya proud sa pagkapanalo ni Pacquiao dahil hindi nito ipinagtanggol ang Diyos ng mga kristiyano noong kasagsagan ng mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Katolisismo.

Inulan naman ng pambabash si Salut mula sa mga netizen dahil sa mga sinabi nito.
Eric John Salut / Photo from ml-tube.com

Sa unang tweet ni Salut, sinabi niyang nandidiri siya sa pagkapanalo ni Pacquaio at tinawag pa ang boksingero na "pinakatamad na Senador."

Dagdag pa niya, wala rin daw dahilan ang mga kababayan natin na maging proud sa Pambansang Kamao dahil sa pananahimik nito noong binabanatan ni Duterte ang Diyos ng Katoliko.

"Kung ipinagtanggol nya ang Panginoon sa pambabalahura ni Duterte, magiging proud pa ako sa kanya! Ano'ng ginagawa nya? Wag ako!" sabi ni Salut.


Mas ipinagmamalaki pa raw niya ang karangalang naibibigay ni Lea Salonga at TNT singers kaysa sa mga narating ni Pacman.

"Eh ano bang pakialam nyo kung di ako proud sa pagkapanalo ng Senador nyo? Mas proud pa ako sa honor na binigay ni Lea Salonga, TNT singers, etc!," sabi ni Salut.

Sa isa pang tweet ni Salut ay sinabi nitong proud siya kay Matthyse.

Samantala, maraming netizen ang hindi nagustuhan ang mga tweet ni Salut at hindi napigilang maglabas ng sama ng loob sa nasabing isyu.

"Ay pinakatamad? Totoo b? Ang laki ng galit ano kaya naambag sa lipunan? Ang layo ng issue s boxing at s sinsabing dyos na issue my goodness pinoy talaga..."

"Sus Eric, ansayang magbasa sa mga replies sa tweet mo. Kung ikaw ay nagpapakabanal, sana nga hindi ka isa sa mga may ginagawang panlalamang sa kapwa mo."


 


Ayon sa isang netizen, hindi raw dapat gamitin ni Salut ang pagiging isang publicist sa mga mapanirang pahayag dahil baka makasira ito sa kanyang career.

***
Source: KAMI

No comments:

Post a Comment