Monday, June 28, 2021

Journalist Lourd de Veyra pinalitan ang meaning ng “Noynoying” na bansag kay PNoy

Pumanaw ang dating pangulo ng Pilipinas na si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III habang taimtim na natutulog noong Huwebes ng umaga, June 24, 2021, dahil sa kaniyang renal dîsease secondary to diabétes.
Lourd de Veyra and Former President Benigno "Noynoy" Aquino III / Photo credit: Pinoy Parazzi and Rappler

Patuloy naman ang pagkikiramay at pagbibigay ng kani-kanilang tribute ang mga artista at ilang personalidad na taga-suporta ni PNoy.

Isa sa mga nagbigay ng tribute para kay PNoy ay ang writer at journalist na si Lourd de Veyra sa kanyang AksyonTV segment na "Word of the Lourd.”
Former President Benigno "Noynoy" Aquino III / Photo credit: Inquirer
Former President Benigno "Noynoy" Aquino III / Photo credit: Inquirer

Binalikan ni Lourd ang iilan sa mga tumatak na salita noong panahon ni PNoy bilang presidente. 

Kabilang na rito ang slogan na “tuwid na daan” na ginamit noong nangangampanya pa lamang si PNoy para sa 2010 presidential elections.

Tumatak din ang salitang “bawal ang wang-wang” na sinabi ni PNoy sa kanyang inauguration speech noong 2010.
Former President Benigno "Noynoy" Aquino III / Photo credit: ABS-CBN
Former President Benigno "Noynoy" Aquino III / Photo credit: ABS-CBN

Ngunit ang pinaka tumatak na salita noong panahon ni PNoy ay ang salitang “Noynoying” na ginamit ng mga bumabatikos sa kanya.

Nagkaroon din ng sariling Wikipedia Page ang salitang “Noynoying.”

Ayon sa Wikipedia Page, ang Noynoying ay "protest tactic in the form of neologism which critics of Philippine President Benigno Aquino III have used to question his work ethic, alleging inaction on Aquino's part on the issues of disaster response and of rising oil prices."
Lourd de Veyra / Photo credit: PEP

Ngunit sa segment ni Lourd, tila iniba at binago niya ang ibig sabihin ng “Noynoying.

"May inimbentong termino ang mga aktibista noong 2012 kay PNoy dahil sa kanyang umano’y katamaran at kabagalan sa pagtugon sa maraming problema noon—ang "Noynoying."
Former President Benigno "Noynoy" Aquino III / Photo credit: Inquirer

"Pero, akalain mo yun? May mas grabe pa pala sa kanya. So hindi kaya oras na para magkaroon ng makabagong kahulugan ang Noynoying?

"Noynoying—ang pagiging malinis, totoo, tapat, at hindi c0rrupt.

"Noynoying—ang pag-inda sa mga batikos. Pero sa huli, hindi maikakailang iniwan mong mas maunlad at mas maginhawa ang Pilipinas.
Former President Benigno "Noynoy" Aquino III / Photo credit: CNN Philippines
Former President Benigno "Noynoy" Aquino III / Photo credit: CNN Philippines

"Noynoying—may pagpapahalaga sa buhay ng tao.

“Noynoying—ang pagiging disente, maginoo, makabayan. Yung tipong makakatayo ka nang marangal sa harap ng mundo.

"Noynoying—batid na ang pagpuna ay bahagi ng demokrasya. At pag napipikon, kahit anong banat sa kanya ng media, walang pina-ban, walang hinaras, at higit sa lahat, walang pinasara."

Dinala ang mga abo ni PNoy sa Manila Memorial Park, Parañaque City noong Huwebes kung saan inilibing din ang kanyang mga magulang na sina former Senator Benigno "Ninoy" Aquino at former President Corazon Aquino.


***
Source: PEP

No comments:

Post a Comment