Thursday, July 15, 2021

Pagtulong ni Angel Locsin sa isang tatay na umiiyak sa ospital, hinangaan ang mga netizens

Maraming mga netizens ang muling pinahanga ng aktres at philanthropist na si Angel Locsin matapos nitong tulungan ang isang tatay na nakaupo habang umiiyak sa loob ng ospital.
Angel Locsin / Photo credit to the owner

Sa video na ibinahagi sa Twitter, makikita si Angel na nag-abot ng pera sa isang lalaking nakaupo at umiiyak umano dahil kulang ang perang pambayad sa ospital.

Ayon sa caption ng video, kusang lumapit si Angel kay tatay dahil narinig niya itong umiiyak. 

Kulang daw ang perang pambayad ni tatay para sa anak niyang nasa ospital.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Yung bigla siyang lumapit sa tatay ng isang baby kasi naririnig niyang umiiyak. At pati kami ay nagulat sa actions ginawa niya. Myghaaad,” sabi ng post.

Sana marami pang katulad niyo!!! Akala ko sa mga news ko lang makikita ganon eksena. Pero literal totoo. Huhu. Godbless!” dagdag nito.

Panoorin ang video sa ibaba:

Samantala, hindi nabanggit kung saan at ano ang pangalan ng ospital kung saan nangyari ang pagtulong ni Angel.

Hindi rin nasabi kung ano ang kalagayan ng anak ni tatay kaya napaiyak ito.
Photo credit to the owner

Agad umalis si Angel matapos nitong maiabot ng pera sa lalaki. Natulala na lamang si tatay sa kabutihang loob na ipinakita ng aktres.

Kilala si Angel na laging handang tumulong sa mga nangangailangan. Halos sa tuwing may bagyo o trahedyang kinakaharap ang ating mga kababayan ay laging nandyan ang aktres upang tumulong.

Kamakailan naman ay naging kontrobersyal ang isinagawang community pantry ng aktres sa araw ng kanyang kaarawan matapos masawi ang isang senior citizen na nakapila.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:







Source: Twitter

No comments:

Post a Comment