Sunday, July 18, 2021

Tatay Jimmy may mensahe kay Sen. Pacquiao: “Hindi ka pa hinog Manny”

Viral ngayon ang video ni tatay Jimmy kung saan tinanong siya kung ano ang opinyon niya sa gagawing pagtakbo ni Senator Manny Pacquiao sa darating na 2022 presidential elections.
Tatay Jimmy and Sen. Manny Pacquiao / Photo credit: Rappler

Si tatay Jimmy ay namamalagi sa Manila Bay at nakilala sa social media dahil sa kanyang mga opinyon patungkol sa usaping politika.

Sa panayam ng isang vlogger na si Janice Llander kay tatay Jimmy, nabanggit ng matanda na hindi pa hinog si Pacquiao upang maging lider ng ating bansa.

Aniya, mali rin daw ang ginawang pakikipagbangayan ng senador kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Tatay Jimmy / Screencap from Janice Llander Vlog
Tatay Jimmy / Screencap from Janice Llander Vlog

“Ang masasabi ko lang, sorry sir Pacquiao hindi ka pa hinog, hindi ka pa dapat tumakbo at kung tumakbo ka man ng Presidente ay hindi ka na nag comment ng mga kung ano ano,” ani Tatay Jimmy.

“Nakalkal tuloy ang pagkatao mo, papaano ngayon yan sir Pacquiao, basa ang papel mo, makakabangga mo pa ang Presidente, baka hindi ka pa akuin niyan at ilaglag ka,” dagdag niya pa.

“I’m just telling you the truth, kumbaga sa prutas hindi ka pa hinog, dapat nagpahinog ka muna bago ka umentra, look instead na tahimik ka nagulo ang buhay mo.”
Senator Manny Pacquiao / Photo credit: Philstar
Tatay Jimmy / Screencap from Janice Llander Vlog

Naniniwala si tatay Jimmy na hindi na dapat naglabas ng kung ano anong pahayag si Pacquiao dahil marami siyang maaring maging kaaway.

Hindi na rin daw maibabalik pa ni Pacquiao ang kanyang reputasyon na nawala kahit gumamit pa ito ng salapi.

Ang pera palamuti lang yan, pero pagkasira ng tao mahirap tabunan ng pera, ewan ko lang kung matatabunan mo ng pera ‘yung pagkasira ng pagkatao mo,” saad niya.
Tatay Jimmy / Screencap from Janice Llander Vlog
Tatay Jimmy / Screencap from Janice Llander Vlog

“Baka makalkal pati ang asawa mo, kakambal ng asawa mo, ‘yung mga anak mo damay damay, dapat inisip mo ‘yun sir Manny,” dagdag niya pa.

Kung ako sayo Manny, bumalik ka nalang sa posisyon mo bilang senador, umatras ka na,” payo ni tatay Jimmy kay Pacquiao.

Sa ngayon ay mayroon ng 22,000 views ang video ni Janice sa kanyang Youtube channel.

Panoorin ang buong video sa ibaba:

Narito naman ang mga komento ng mga netizens:





***

No comments:

Post a Comment