Thursday, September 23, 2021

Lolang umorder sa Jollibee kahit 20 pesos lang ang pera, pinakain ng mga service crew

Madalas ay napakaliit ng tingin ng ilang customers sa mga service crew ng fastfood chains o waiters ng mga restaurants.
Photo credit to the owner

Dahil mababa ang tingin ng ilang tao sa kanilang trabaho ay madalas silang mapagtaasan ng boses at bastusin. Ang hindi alam ng iba ay isa sa pinakamahirap na trabaho ang pagiging service crew at waiter.

Marami sa kanila ang mabubuti ang puso at matulungin dahil alam nila ang hirap ng buhay ng isang Pilipino.

Kaya naman mabilis na nag-viral ang larawan ng isang lola na pinakain ng mga service crew matapos nitong umorder ng pagkain ngunit 20 pesos lamang ang dalang pera.

Ibinahagi ng netizen na si Marold Aquino Anido ang larawan ni lola matapos siyang maantig sa nasaksihang eksana sa loob ng Jollibee store.

Kwento ni Anido, galing umano sa palengke si lola nang pumasok at maupo upang magpahinga dahil tila pagod na pagod ito.

Matapos magpahinga saglit ng matanda ay tumayo ito at pumunta sa counter upang umorder. Pagdating umano sa counter ay naghahanap si lola ng oorderin na kakasya ang perang 20 pesos.

Dagdag ni Anido, habang hawak ni lola ang 20 pesos ay kinausap siya ng mga crew ng Jollibee.

Medyo kinabahan pa raw si Anido sapagkat naawa siya sa matanda dahil baka gutom na gutom na ito. Laking gulat na lamang niya nang may isang crew ang lumapit kay lola at may dala-dalang burger steak, rice, iced tea at tubig. 

Makikita raw sa mukha ni lola ang saya habang kumakain.

“Hindi ko mapigilang hindi sila kuhanan ng litrato dahil sobrang natuwa ako sa pinakita nilang action. Humihingi po ako ng pasensya sa pagkuha ng pictures niyo mga ate at kuya without your permission pero gusto ko lang talaga kayo i-share dahil super bait niyo po,” sabi ni Anido.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Pagkatapos kumain ni lola ay nakitang inihatid pa ito ng crew hanggang makatawid sa kabilang kalsada.

Mabilis na nag-viral ang nasabing Facebook post at marami ang humanga sa mga mababait na crew ng Jollibe.

Kuwento ng manager, bente pesos lang ang pera ng 85-anyos na si lola Angelita Reyes kaya siya na lang ang nagbayad sa order nito. Isa sa mga tumulong ay working student pa. Todo pasasalamat si lola sa mga nagmagandang-loob sa kaniya.

Samu’t sari din ang naging komento ng mga netizen sa nasabing post:

“Ganito dapat yung tume-trending at pinapa-trending, di yung mga walang kwentang awayang pamilya, break up ng 3rd party at pagko-commute ng pulitiko. God bless sa mga tumulong kay lola, may good karma yan.”

“Whoever helped the old lady Angelita Reyes, May the Lord Jesus Christ bless you more each day of your life a little help does goes a long way for those people struggling to make ends meet. Lola, may the Lord give you more strength and help you with your daily needs. Take care and stay safe.”

“Makabagbag damdaming eksena, after all senior na si lola she deserve everything in life, kahit ano pa man din iyan, someday she too will say goodbye in this life, but while she is still here good riddance and good vibes ang siempre ang dapat ihandog sa mga katulad nila. Good gesture from the crew of Jollibee for the food they offered at bayad. Kung lahat tayo ganito ang ginagawa, sabi nga sa kanta ‘what a wonderful world’ this could be.”

"Ok lang ipost para tularan ng marami na walang inisip kundi sarili nila. Alam nyo ba na kahanga-hanga ang mga ganyang ugali. Di gaya ng iba na sa halip tumulong ipagtatabuyan pa. Di naman porke ipinost nagpapasikat na. Pwede rin naman na gusto lang ipaalala na kahit saan at kahit sino pwedeng magmagandang-loob o tumulong sa kapwa diba.”


***
Source: News Thrilla

No comments:

Post a Comment