Friday, September 3, 2021

Paolo Contis at ‘mystery girl’, nakitang magkakapit pa habang naglalakad

Nagulat ang mga netizens sa kumakalat na video sa social media kung saan makikita diumano ang aktor na si Paolo Contis at isang mystery girl habang naglalakad at magkakapit pa.


Sa Facebook post ng netizen na si Michael Salmon, in-upload nito ang video ng isang lalaki at isang babaeng naglalakad sa kalye.

May facemask at faceshield ang mga ito kaya naman hindi matukoy at makita ang kanilang mukha.

Ngunit ayon kay Michael, sina Paolo Contis at aktres na si Yen Santos ang magkasamang naglalakad.



Ayon naman sa mga netizens, makikita ang tattoo sa kanang braso ng lalaki na may katulad sa tattoo ng aktor.

Makikita rin sa mga vlogs ni Paolo ang nasabing tattoo.

Photo credit to the owner

Mabilis na nag-viral ang video ay ngayon ay umabot na sa 28k reactions, 25k comments at 43k shares.

Bago ang video, una nang may kumalat na larawan ng nasabing aktor kasama ang mystery girl.

Naging usap-usapan din sa social media na si Yen Santos ang naging dahilan ng hiwalayan nina Paolo at LJ Reyes. 

Si Yen ang ang katambal ni Paolo sa pelikula nilang ‘A Faraway Land’ kung saan ay lumipad pa sila ng ibang bansa upang makunan ang mga eksena nila.



Sa exclusive interview kay LJ, sinabi niyang matagal na niyang nararamdaman na nanlalamig si Paolo kaya nagdesisyon itong makipaghiwalay.

“Matagal ko nang nararamdaman na matagal na siyang nakahiwalay sa amin, pero honestly ako yung nagsabi na parang… parang nasa ibang mundo na po siya at pakiramdam ko eh hinihintay niya lang na sa akin manggaling,” ani LJ.

Hanggang ngayon ay wala paring opisyal na pahayag si Paolo kaya naman patuloy parin ang panghuhula ng mga tao.

Hindi din nagsasalita si Yen sa tungkol sa nasabing isyu.

Panoorin ang video sa ibaba:



***

No comments:

Post a Comment