Monday, May 2, 2022

Jinggoy, napikon matapos sabihin ng HS classmate na hindi siya iboboto

Viral ngayon sa social media ang pagkapikon ni dating senador Jinggoy Estrada sa naging batchmate niya sa Ateno de Manila High School (AHS) matapos sabihin sa kanya na hindi siya susuportahan sa darating na halalan.
Photo credit to the owner

Sa Facebook post na kumakalat, makikita ang mga screenshot kung saan nangampanya si Jinggoy sa mga miyembro ng Viber group na AHS Batch 1980 ngunit isang miyembro nito ang tumabla sa kanya.

My numbers in all the reputable survey firms are quite encouraging except in Pulse Asia where I was ranked #11. Kaya kailangan pa ng konting ‘push.’ Having said that, once elected again in the Senate, rest assured that I will enact bills that will benefit the greater majority of our people. Thanks so much and I hope to solicit your valuable votes on May 9,” pahayag ni Jinggoy.

Photo credit to the owner
Jinggoy Estrada / Photo credit to the owner

Nag-comment dito ang football enthusiast na si Jose Prats at sinabing hindi siya naniniwala sa mga pangako ni Jinggoy.

“I do not believe in your promises nor the false promises being given by your party of jr-sira. And that is an understatement,” ani Prats. 

“I believe in the moral values instilled in me by the Ateneo. Values that formed me as a Catholic/Christian,” dagdag nito.
Jinggoy Estrada / Photo credit to the owner

Aniya, suportado niya ang LeniKiko tandem at ang senatorial slate nito.

Dito na nanggalaiti sa galit si Jinggoy at nag-message umano kay Prats.

Bastos ka pala hayop ka! Yan pala ang itinuro sa iyo ng Ateneo! Shame on you! Sana pala ginulpi na kita nung nasa HS pa tayo eh!
Photo credit to the owner

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung totoo o fake news ba ang kumakalat na mga screenshots sa social media.


***
Source: Abante

No comments:

Post a Comment