Photo from FB |
Usap-usapan ngayon sa social media ang post ng isang youth volunteer kung saan ibinahagi niya ang kanyang naging karanasan matapos dumalo sa rally ng dalawa sa pinaguusapan na presidential candidate ngayon sa Pilipinas.
Sa kanyang post na halos may mahigit na 74,000+ shares, inilahad ni James Lawrence ang mga bagay na kanyang natuklasan patungkol dito.
"I had the chance to attend both Leni and BBM rallies. Both parties’ campaigns are for “nasa laylayan at para sa mahihirap”. BUT the crowds speak for itself. Walang halong bias,"
Narito ang kanyang paglalahad:
Photo by James Lawrence | FB |
"In Leni’s rally, majority of the crowds are people in Class A~C (some D~E). Why is that? I was late that time, around 6pm pero pagdating palang sa area, what I noticed was yung mga supporters may mga side agendas. Mga nagshoshopping while in their convenient time, mga naka dine-in, magagandang phones, naka shoes at in their best-est look. I also see people raising cards/flexing what Univesities are they in/they went (UST, ATENEO, ADAMSON). Meron ding dala yung pets nila na dinamitan pa ng color pink. Some of my friends also told me na yung iba nag check in pa sa mga Hotels like Okada and etc. kasi ang hirap talaga mag commute at sobrang traffic. In my observations, not all but these are the people who are, as they said, “the privileged”; settled, mukang may magandang trabaho at afford of buying things. Mga supporters from different cities," paglalarawan niya sa nadaluhang campaign rally ni Vice President Leni Robredo na ginanap sa Pasay City.
Photo courtesy: Team Leni Robredo |
"Rally wise, organized yung place, maraming tao pero hindi siksikan. Napaka daming artists na nakicelebrate sa birthday ni VP. Walang joke, pero yung intention ng mga artists to entertain ay achieved na achieved dahil nag enjoy ako at feel ko, I’m watching ASAP live. Everyone was so hyped lalo na nung lumabas si Garry V., Regine at Vice Ganda. There were no bad incidents reported, except sa may nanakawan after a Police reached out to me para ipa-page yung nangyare (kala nila marshal ako), pero nabalik naman agad."
Dagdag pa niya, "Meron ding incident na nahihimatay but the medics were very active. Best part nung nakita at nakapag papicture ako kay Bea Luigi Gomez. But what surprised me (sinabi ko din sa bff ko), while Leni was on the stage for her speech, I tried to focus and listen sa mga platforms nya pero may mga hindi attentive at mga naguuwian na yung mga tao. So obviously, not all, but may mga supporters na hindi na interested for some reasons."
Inihalintulad naman niya ang naging karanasan matapos siyang dumalo sa isang rally ni dating senador Bongbong Marcos sa Taguig City.
Photo from BBM | FB |
"Meanwhile in UNITEAM’s rally. The crowds are the opposite. Majority of the people are in Class C~E (some A~B). Why? Without judgement, but these are the average people to people na hindi same elite vibes as Leni’s. Mga supporters who went in their slippers, don’t have the best phones, not in their eye-catching attires. Cards na sinulatan gamit ang ball pen which you barely read dahil sa hand writing. At yung iba may dalang food packs, sandwhich, rice na may ulam, etc. They’re in their best and pumunta don to support Uniteam and umuwing naglalakad at gutom dahil there are no open malls or shops nearby for refreshment," pahayag niya.
Photo from BBM | FB |
Photo from BBM | FB |
"Rally wise, I had the opportunity to become a Marshal, and we were in the event as early as 11am. By 2pm, sobrang dami ng tao and even us, Marshals, di na kami naka alis sa pwesto namin as we need to control the crowd. There were incidents din ng nahimatay dahil sa sobrang init. Marami din sumisigaw ng tubig, pero generous ang Uniteam dahil from time to time, nagaabot sila ng tubig. May incident din ng missing item, pero mababait ang Taguig and they surrendered it on stag."
Photo from BBM | FB |
"Wala masyadong famous celebrities unlike sa kabila, at sabi nga ng iba mga “laos”, but these artists hyped the whole crowd, from the hosts, Silent Sanctuary, Aegis at lalo pang umingay nung dumating si Andrew E. The Senatoriables were given enough time to discuss their platforms. At kami din ang nag-aasist sa mga matatanda, at eto na nga, at kahit napaka init, andun sila until the last stage, Sara and BBM’s appearances. This is what I observed, despite of the hot weather, ang totoong pinunta ng mga tao- makita at marinig ang Uniteam."
"Sa May 9, iboto kung sino talaga ang tunay na may malasakit sa tunay na nasa laylayan," pagtatapos niya.
Source: 1
No comments:
Post a Comment