Monday, October 31, 2022

PWD student na ‘nahihirapan pero lumalaban’, hinangaan ng kanyang guro

Napakaswerte natin kung tayo ay normal at walang diperensya sa katawan. Nagagawa natin ang anomang gusto natin nang walang kahirap hirap.
Photo credit to the owner

Kaya naman nakakabilib ang mga taong may kapansanan dahil sa kabila ng kanilang kalagayan, pinipilit pa rin nilang lumaban sa pagsubok ng buhay.

Samantala, naging emosyonal ang mga netizens sa viral video na kumalat sa TikTok tungkol sa estudyanteng PWD (person with disability).

Ibinahagi ng guro na si Christian ang video ng estudyanteng si Divina Camelle Kapalac Tampus mula sa Cebu Technological University.

Si Divina ay may kapansanan sa kanyang mga mata.

Sa video ay makikita si Divina na hirap na hirap basahin ang mga nakasulat sa papel at halos idikit na ang kanyang mga mata sa kanyang binabasa.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ani sir Christian sa caption ng larawan, “nahihirapan pero lumalaban pa rin sa kanyang pangarap.”

Ayon kay Sir Christian, hindi na makakita ang isang mata nito habang ang isa ay medyo malabo o blurry naman ang paningin na kailangan pang itutok ni Divina ang kanyang kanang mata para makabasa.

“First meet ko po ‘yun sa kanila at nag-orientation agad ako sa kanila at nalaman ko situation niya,” tugon niya sa komento ng isang netizen.

Maraming netizens ang humanga sa sipag at pagtitiis ni Divina sa pag-aaral. 

Ilang netizens din ang gustong magpaabot ng tulong sa estudyante. 
Photo credit to the owner

“Ganitong mga klase ng tao ang masarap buhusan ng Tulong.. God bless sayo Young lady.”

“Naiyak ako. hindi po ako naawa, SOBRA PO AKONG HUMANGA. lumalaban kahit nahihirapan. SALUTE po sayo sis, praying na maabot mo po ang mga pangarap mo.”

“‘Di po ba pwede may mag-donate ng salamin po? nadurog po ‘yung puso ko, kung pwede po siya ng salamin ako po ang mag-donate po.”

“‘Yan ang may pangarap kase magtiyagang nag-aaral kahit nahihirapan, Godbless po siguradong may mga magandang puso ang tutulong sayo.”

Panoorin ang video sa ibaba:


***

No comments:

Post a Comment