Si Luis Salvador o kilala rin bilang Lou, Chipipoy, o Van Ludor ay ipinanganak sa Tacloban, Leyte noong Ika-7 ng Hulyo, 1905. Ang kaniyang ama ay isang Espanyol samantalang ang kanyang ina ay mestisang Aleman.
Lou Salvador Sr. / Photo credit to the owner
Sa edad na 17 ay nakitaan agad si Lou ng galing sa paglalaro ng basketball. Hanggang sa nasama siya sa Philippine National Basketball Team sa ating bansa.
Noon ay sikat na sikat ang Far Eastern Games na isa sa pinakaunang international competition sa kasaysayan. Tatlong bansa lamang ang naglalaban-laban sa kompetisyon.
Ito ay ang Republic of China, Empire of Japan at Republika ng Pilipinas.
Ang basketball ay isa lamang sa walong sports na pinaglalabanan ng tatlong bansa.
Sampung seasons lang daw ang itinagal ng palarong ito na ginaganap kada dalawang taon dahil na rin sa pagputok ng digmaan.
Sa sampung tournament sa larangan ng basketball, siyam na beses nakuha ng Pilipinas ang gintong medalya at isa ay silver.
Taong 1921 tinalo ng China ang Pilipinas sa gold medal match, ito ang nag-iisang talo ng ating bansa noon.
Subalit sa sumunod na palaro taong 1923 makalipas ang dalawang taon, napakatamis na paghihiganti ang ipinalasap ng Pilipinas laban sa China.
Lou Salvador Sr. / Photo credit to the owner
Pinangunahan ni Lou Salvador Sr. ang ating National team na noon ay 19-anyos lamang. Siya ay nakapagtala ng nakakamanghang 116 points sa isang laro lang.
Ang 116 points na nakuha ni Lou ay record holder pa rin hanggang sa ngayon para sa pinakamaraming puntos na nagawa ng player sa isang international competition.
Karamihan sa mga puntos ni Lou ay mula sa mid range area dahil wala pa namang 3 points noon.
Taong 1924, naglaro naman si Lou sa José Rizal College (JRC at ngayo’y José Rizal University) sa NCAA kung saan pinangunahan niya ito patungo sa kampyunado.
Hanggang sa ngayon ay si Lou ang may pinakamataas na naitalang score (116) sa isang laro lamang. Ngunit sa kasamaang palad, ang mga records ng mga laro nina Lou Salvador ay kasamang nawasak o nasunog noon sa kasagsagan ng Pacific War.
Ang ilang nakatago naman sa Rizal Memorial Sports Complex ay nawala o tinangay umano ng baha, ayon sa Philippine Daily Inquirer sports editor and columnist na si Manolo R. Inigo.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Pagkatapos ng Far Easter Games noong 1925, pinasok na ni Lou ang ‘Bodabil’ (Vaudeville), na usong-uso noong mga panahong iyon pagdating sa entertainment.
Lumabas siya sa mga entablado gamit ang mga pangalang Chipipoy at Van Ludor.
Pagkatapos ng digmaan, mas lalo pang kuminang ang pangalan ni Lou sa bodabil dahil sa sunod-sunod nilang pagtatanghal para libangin ang napakaraming sundalo na nandito pa sa Pilipinas.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ang kasikatan ni Lou ang naging dahilan ng kanyang pagiging producer, director at artista sa mga pelikula.
Ayon sa Youtube channel na “Balik Tanaw”, si Lou rin daw ang tinaguriang orihinal na Master Showman bago pa man dumating si Kuya Germs (German Moreno). Ito raw ay dahil sa dami ng mga artistang kanyang nadiskubre na karamihan ay mga naging haligi pa ng showbiz sa ating bansa.
Ang ilan sa malalaking pangalan na kanyang nadiskubre ay sina Chiquito, Bentot, Kachupoy, Pepe Pimentel, Eddie Peregrina at Diomedes Maturan.
Canuplin / Photo credit to the owner
Diomedes Maturan / Photo credit to the owner
Sinasabi ng karamihan noon, kung wala raw Lou Salvador ay wala rin daw ang mga magagaling na komedyante hanggang sa ngayon.
Si Lou rin ang nagpasikat sa kanyang mga anak na sina Leroy at Lou Salvador Jr. dahil siya mismo ang nagdi-direk ng kanilang mga pelikula.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Bilang pagkilala sa kanyang legacy, nagkaroon ng Lou Salvador Sr. Memorial Award. Ito ay ibinibigay sa mga natatanging artista na nagpamalas ng angking galing sa pag-arte.
Nang si Lou ay pumanaw sa edad na 67 noong March 1, 1973, tila nagkaroon ng isang malaking reunion ang kanyang pamilya.
Ayon sa kanyang anak na si Philip Salvador, “Hindi ka maniniwala nabuo kami. 102 kami. Bale 49 mothers. Diba, namatay si Papang, nagdatingan lahat sila? Panahon na nina ate Mina (Aragon) yun, producer na sila nung namatay Papa ko.”
Philip Salvador / Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ilan pa sa mga kilalang anak ni Lou ay sina Alona Alegre, Mina Aragon, Ross Rival, Juan Miguel Salvador, Emil Salvador, at Jumbo Salvador.
Ang kanyang mga apo naman na pumasok sa showbiz ay sina Maja Salvador (anak ni Ross Rival), Jobelle Salvador (anak ni Leroy Salvador), Janella Salvador (anak ni Juan Miguel Salvador) and Ethan Salvador (anak ni Emil Salvador).
***
No comments:
Post a Comment