“Would you know my name, if I saw you in heaven? Would it be the same, if I saw you in heaven?”
Sino nga ba ang hindi nakakaalam sa kantang “Tears in Heaven” ni Eric Clapton? Isa ito sa pinaka-maganda at pinaka-nakakalungkot na kanta sa buong kasaysayan ng musika.
Ito ay inilabas noong 1991 at nanatiling palaging nasa top 10 sa mahigit 20 bansa.
Nanalo rin ito sa Grammys for Song of the Year, Album of the Year (Unplugged) at Best Male Pop Vocal Performance.
Nakatanggap din ito ng platinum awards para sa sales nito na mahigit 1 million copies sa America.
Sa kabila ng tagumpay ni Eric sa kantang ito sa buong mundo, mayroong nakakalungkot na kwento kung papaano ito naisulat.
Eric Clapton / Photo credit to the owner
Eric Clapton / Photo credit to the owner
Para kay Eric, naisulat niya ang kantang ‘Tears in Heaven’ dahil sa malagim na pangyayari sa kanyang buhay.
Ito ay ang aksidenteng pagkam*tay ng kanyang apat na taong gulang na anak na si Conor noong March 20, 1991.
Eric and Conor Clapton / Photo credit to the owner
Eric and Conor Clapton / Photo credit to the owner
Labis na pagdadalamhati, sakit, at pangungulila bilang isang ama ang naging emosyon ni Eric noon.
Ayon sa isang article ng ‘Biography’, nangyari ang aksidente sa isang apartment sa New York City kung saan nakatira ang ex-girlfriend ni Eric at ina ni Conor na si Lory del Santo, isang model.
Sina Eric at Lory ay unang nagkita taong 1985. At nung August 21, 1986, isinilang si Conor Clapton.
Lory del Santo and Eric Clapton / Photo credit to the owner
Lory del Santo and Eric Clapton and baby Conor / Photo credit to the owner
Sobrang close ng mag-amang Eric at Conor. Madalas raw silang magkasama at maglaro. Talagang mahal na mahal ni Eric ang kanyang anak.
Subalit makalipas ang tatlong taon ay naghiwalay sina Eric at Lory, at ang batang si Conor ay napunta sa pangangalaga ng kanyang ina.
Gayunpaman, madalas pa ring magkita ang dalawa upang makasama ni Eric ang kanyang anak.
Eric Clapton and baby Conor / Photo credit to the owner
Kwento ni Lory, 11am nong araw na yun ay naghahanda na siya at naliligo. Naririnig pa raw niya ang anak na si Conor na naglalaro.
Samantala, sa mga oras na iyon ay naglilinis ang janitor sa kanilang apartment.
Nagbilin si Lory sa yaya ni Conor na bantayan itong mabuti at huwag na huwag hahayaang maalis sa kanyang paningin kahit na isang segundo lamang.
Lory del Santo and baby Conor / Photo credit to the owner
Lory del Santo and baby Conor / Photo credit to the owner
Naririnig pa ni Lory na nakikipaglaro ng tagu-taguan at habulan si Conor sa kanyang yaya.
Nang matapos si Lory sa paliligo ay narinig nitong tumunog ang fax machine kaya chineck muna niya ito at binasa ang mga memo.
Samantala, sina Conor at kanyang yaya ay patuloy na naghahabulan at dito na tumakbo ang bata sa loob ng kwarto kung saan naglilinis ang janitor.
Sinita pa raw ng janitor ang yaya na huwag sa loob ng kwarto maglaro dahil naglilinis siya at nakabukas ang bintana.
Habang pinapakinggan ng yaya ang sinasabi sa kanya ng janitor ay hindi nila namalayan na dire-diretsong tumakbo si Conor patungo sa bukas na bintana at dito napasigaw ng malakas ang yaya.
Mabilis na tumakbo si Lory papuntang kwarto habang sumisigaw at hinahanap ang anak. Nang makita niyang bukas ang bintana, dito na niya naintindihan kung ano ang nangyari.
“I went into the room shouting more and more hysterically, ‘Where's Conor, where's Conor?' Then I saw the opened window, and I understood at once,” sabi ni Lory.
Halos manghina at mahimatay si Lory dahil hindi siya makapaniwala sa nangyari nang panahon na iyon.
“I felt all my strength leave me and I collapsed on the floor,” sabi ni Lory.
Dali-dali niyang tinawagan si Eric sa hotel kung saan ito tumutuloy. Nanginginig at umiiyak siya habang kausap ang dating asawa.
Noong una ay hindi pa raw naiintindihan ni Eric kung ano ang sinasabi ni Lory hanggang sa marinig niya ang pagsabi nitong wala na ang kanilang anak.
"The first I knew was a telephone call from their apartment. I was actually getting ready to go out of the hotel room to go and pick him up for lunch. Lory was on the other end of the phone, and she was hysterical, saying he was dead. And I could not let myself believe it,” sabi ni Eric.
Matapos malaman ang nakakabiglang pangyayari, nanlamig raw ang buong katawan ni Eric at hindi malaman kung ano ang gagawin.
Nagpunta si Eric sa morgue ngunit hindi niya kayang tignan ang kanyang anak.
“I remember looking at his beautiful face in repose and thinking, this isn’t my son. It looks a bit like him, but he’s gone,” saad ni Eric.
Sa burol ng kanyang anak, sabi ni Eric, “I went to see him again at the funeral home to say goodbye, and apologize for not being a better father.”
Eric Clapton and baby Conor / Photo credit to the owner
Lory del Santo, Eric Clapton and baby Conor / Photo credit to the owner
Naganap ang libing dalawang araw bago ang ika-46 na kaarawan ni Eric sa kanyang hometown sa England.
Kasama sa mga nakiramay ay sina Phil Collins at George Harrison. Nagpadala rin ng sulat si Prince Charles upang ipaabot ang kanyang pakikiramay.
Si Lory naman ay araw-araw raw umiiyak sa loob ng apat na taon. Walang oras na hindi niya iniisip ang anak na si Conor.
Ilang buwan namang in-isolate ni Eric ang kanyang sarili sa publiko at nagluksa sa pagkawala ng pinakamamahal na anak.
Nang makabalik ito sa trabaho, nilapitan siya ng director na si Lili Fini Zanuck upang sumulat ng kanta para sa pelikulang ‘Rush’ noong 1991.
Ang kantang naisulat niya ay “Tears in Heaven”.
Sobrang personal raw ng kantang ito para kay Eric kaya hindi niya ito basta basta pinapagamit upang maging theme song ng mga pelikula.
Ayon sa balita, ito raw sana ang gagamiting theme song ng pelikulang ‘Through night and day’ nina Paolo Contis at Alessanda de Rossi, ngunit hindi raw pumayag si Eric.
Kaya pinalitan nalang ang theme song nito ng ‘I will be here.’
Wala na yatang mas sasakit pa para sa isang magulang kundi ang mawalan ng anak na inalagaan simula ng isilang ito sa mundo.
Kaya sana ay pahalagahan natin ang bawat oras na kasama natin ang ating mga anak at mahal sa buhay.
***
Source: Biography
No comments:
Post a Comment