Sunday, November 6, 2022

Sunshine Cruz nagsalita na patungkol sa balitang nabuntis siya ng dating asawa na si Cesar Montano

Nagbigay ng reaksyon ang aktres na si Sunshine Cruz patungkol sa balitang nabuntis umano siya ng kanyang dating asawa na si Cesar Montano.
Photo credit to the owner

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Sunshine na ‘fake news’ ang nasabing balita.

Wala raw katotohanan ang mga tsismis na ito at lalong hindi sila nagkabalikan ng aktor.

FAKE NEWS! I’ve been sent a few videos about this fake news spreading and nagtataka nga ako na may mga bumabati at congratulate sakin,” pahayag ni Sunshine sa kanyang Facebook post.

Aniya, napilitan siyang maglabas ng reaksyon patungkol dito dahil marami umanong netizens ang naniniwala sa kumakalat na fake news.

As respect sa partner at bagong pamilya ni Cesar, gusto ko sabihin na wala pong katotohanang buntis ako at magpapakasal sa aking ex-husband,” ani Sunshine. 

Sa ngayon ay wala na ang nasabing video sa Youtube.

Sina Sunshine ay Cesar ay mayroong tatlong anak. Sila ay sina Angelina, Sam at Cheska.

Taong 2018 naman ng ma-annuled ang kanilang kasal.

Sa ngayon ay may bago ng pamilya si Cesar at mayroong tatlong anak sa partner na si Kah Angeles.


***

No comments:

Post a Comment