Mukhang hiwalayan ang mangyayari sa isang couple mula sa Taiwan matapos magkaroon ng problema ang kanilang relasyon. Ngunit hindi third party ang dahilan, kundi dahil sa engagement ring.
Photo credit to the owner
Ayon sa balita, ibinahagi sa social media ng babae na apat na taon ng stable ang relasyon nila ng boyfriend.
Kwento niya, lagi silang hati ng kanyang boyfriend sa mga gastusin. Kahit sa maliit na bagay katulad ng bottled water ay hati rin sila.
Aniya, nirerespeto niya ang ugali ng kanyang boyfriend pagdating sa pera. Tanggap niya kung paano nito mina-manage ang kanilang gastusin.
Nagproprose ang lalaki sa kanyang girlfriend sa harap ng kanilang mga kaibigan. Kilig na kilig umano ang babae.
Nakatanggap siya ng diamond ring.
Photo credit to the owner
At dahil hati sila sa lahat ng gastos, ang kalahati ng halaga ng engagement ring ay PHP134,331.05.
Nang itanong umano ng babae kung bakit kailangang may share siya sa engagement ring, ang sagot ni boyfriend, ang marriage ay para sa dalawang tao—at dapat ay laging hati sa lahat ng bagay.
Dito na tila nadismaya ang babae. Mula noon, lumamig ang kanilang relasyon.
Hindi na binabanggit ng boyfriend ang “cost sharing” plan. Hindi na rin isinuot ng girlfriend ang engagement ring.
Naging mainit na usapin ito sa online community ng China.
Ayon sa isang netizen, “Men who can’t afford to spend money on you really don’t want you in the first place.”
Photo credit to the owner
Para naman sa iba, malinaw sa girlfriend na gusto ng boyfriend na lagi silang hati sa lahat ng gastusin.
Kaya dapat daw mag-isip-isip si girlfriend kung gusto pa ba niyang pakasalan ang boyfriend dahil sa insidenteng ito.
Komento ng isang netizen, “He picked the diamond ring, he picked the price, you had absolutely no choice in the matter.”
Biro pa ng isa, “After being proposed to, you instantly went NT$75,000 [PHP134,331.05] into debt.”
Dagdag na biro ng isa pang netizen, “From now on, you only brush the right half of the toilet and let him brush the left half.”
Sabi ng netizen, “Will you have to pay for the birth of a child in the future? The cost of maternity check-ups, hospitalization, and monthly fees?"
“And what about the discomfort of pregnancy, body transformations, labor pains, and post-natal breastfeeding? Will he convert it all into cash for you?”
Marami rin ang nagpapayo sa babae ng: "Give him the ring back and dump him."
Hindi naman pinangalanan ng Hong Kong-based newspaper ang couple.
***
Source: PEP
No comments:
Post a Comment