Saturday, January 21, 2023

Mga waiters, nagbigay ng reaksyon ukol sa kontrobersyal na icing issue ni Alex Gonzaga

Talagang hindi maka-move on ang mga netizens sa nangyaring pagpahid ng icing ni Alex Gonzaga sa noo ng waiter na si Allan Crisostomo.
Photo credit to the owner

Kanya-kanyang reaskyon ang mga netizens at kahit mga celebrities at social media influencers ay nakisali na rin.

Ayon sa iba, masyadong OA ang reaksyon ng ilang affected na netizens. Anila, hindi naman ito big deal pero masyadong pinapalaki.

Subalit, ano nga ba ang masasabi ng mga waiters, naging waiters at iba pang nakapagtrabaho sa service industry?
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ang sabi ng netizen na dating waiter, “normal lang” ang magpahiran ng icing sa isang birthday party, magkakilala man o hindi.

“Bday party yan, so ung ginawa ni Alex Gonzaga natural lang, kakilala mo mn yn o ND. Masyado lng kasi talga minamasama NG iba.Naging waiter din nman ako before, Kung sken mngyare yan, Mas mararamdamn ko n part ako NG party na un kahit waiter lng ako.”
Photo credit to the owner

Sang-ayon din ang isang female netizen na dating waitres sa ginawa ni Alex. Aniya, icing lang naman iyon at madali lamang tanggalin.

“As a waitress dati for me ha opinion ko lng its not a big deal for ako kahit hnd pa yan artista or normal na tao lng tas pahiran ako ng cake its ok cake lng yan wipe out mo lng tissue mag hilamos tangal na.”

“Maka pag react mga tao akala mo naman sila ung pinahiran,” dagdag niya.

“Mas Malala pa nga ung iba customers ung mga feeling elite na tao maka mura mura sa mga waitress and waiter un ang nakaka humiliate nakaka baba ng pag katao.”
Photo credit to the owner

Ngunit para sa TikTok content creator na si Marvin “Kuya Marvin” Curbot, sobra raw ang ginawa ni Alex. Hndi raw dapat ito ginagawa dahil baka i-normalize ng iba.

“It’s not bad to have fun with service crew, waiter… Hindi masamang biru-biruin sila, hindi masamang makipagkulitan sa kanila,” punto niya.

“Pero yung ginawa ni Alex Gonzaga is too much, actually it’s too much na.”
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“Maraming customer na akala mo normal na lang sa kanila na i-humiliate ka, na porke't nabayaran ka, na porke't customer sila, puwede nilang gawin lahat ng gusto nilang gawin sa iyo.”

Binanggit niya ang kasabihang “the customer is always right” kaya ang ibang waiters, “pangiti-ngiti” na lang kahit na “binalasubas” na ng customer.

Banat ni Marvin, “Paano kung halimbawang buhusan ka ng drinks ng customer dahil wala lang, trip niya lang?
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“Paano kung yung sauce na kinakain niya ipinahid niya sa uniporme mong kulay puti?

“Hindi ka puwedeng mag-react. Bawal mag-react. Bawal kang magalit kasi crew ka, e.

“Hindi ka puwedeng magalit. Hindi ka puwedeng gumanti kasi anumang mangyari, baka posible matanggal ka pa sa trabaho."

“May possibility na i-normalize na lang yung ganon pag kumain din sila sa resto, kasi walang palag yung crew.

“Walang palag yung staff. Walang palag yung waiter, which is mali.

“Kahit man lang bilang tao, respetuhin natin sila. Igalang pa rin natin yung ginagawa nila.”

Samantala, isang dating part-time waiter sa isang Chinese restaurant ang nagbahagi rin ng kanyang saloobin patungkol sa isyu.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“Being a waiter is hard, you always need to make sure na satisfied si customer sa part mo.

“In my experience as a part-time waiter, very minimal ang chance na di ka maka-encounter ng mga ganoong customers.

“One time I had a customer na humihingi ng soup. Hindi ko lang naibigay sa kanya ng ilang minuto dahil sa dami ng tao.

“Inirapan ako, tinaasan ng boses, at hindi na tinanggap yung sabaw na binibigay ko.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“May times na gusto mo sila kausapin at i-explain yung sarili mo, pero mas pipiliin mo na lang manahimik at intindihin sila para di na lang lumaki.”

“Nalulungkot kasi madami sa atin ang nagsisikap at nagkakanda-kuba-kuba sa pagtatrabaho para lang may pantutustos sa sarili at sa pamilya natin.

“Tapos may mga unexpected na tao ang tatrato sa atin na ikalulungkot at ikakababa ng araw mo.”

Para naman sa media editor ng PEP na dating nagtatrabaho bilang delivery boy ng isang restaurant, depende raw sa relasyon ng waiter at customer ang sitwasyon.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Nagbahagi siya ng isang karanasan, pero inaming may pagkakamali siya sa insidente dahil late niyang naihatid ang order ng customer, na hiniya siya.

“Napahiya ako kasi inismiran ako at sinabihan sa [harap ng] maraming tao.

“Inintindi ko na lang din. Stressful trabaho niya sa bank.

“Naririnig ko nga mga milyones ang usapan nila ng kausap niya sa phone.

“Tapos parang di siya tumatayo sa upuan niya. Tapos darating yung food niya na-late at malamig.”

Ano naman ang point of view (POV) niya sa isyu ni Alex at ng waiter?
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“Yung ginawa ni Alex, kung kakilala naman niya yung waiter o kabiruan, ok lang siguro.

“Pero kung di mo naman kakilala o di kayo close, bad yun.

“May experience din naman kami ng mga kasama ko noon na may kabiruan kaming customers. Nagkakabardagulan kami. Nagkakagawaan din ng small favors.

“Depende rin kasi sa relationship niyo.”

Samantala, humingi na ng sorry si Alex kay Allan at ayon sa kanila, “laging kabiruan” ng pamilya Gonzaga ang waiter.

Narito pa ang ibang komento ng mga netizens:




***
Source: PEP

No comments:

Post a Comment