Wednesday, January 25, 2023

Sunshine Cruz nagpasalamat sa partner ni Cesar Montano na si Kath Angeles

Puring-puri ng aktres na si Sunshine Cruz ang partner ng kanyang ex-husband na si Cesar Montano.

Walang problema at maganda ang relasyon ngayon ni Sunshine kay Cesar at sa ka live-in partner nito na si Kath Angeles.
Sunshine Cruz, Cesar Montano and Kath Angeles / Photo credit to the owner

Ayon sa balita, magkakasama ang pamilya ng mga ito noong nakaraang Bagong Taon sa Bohol kung saan nagkapag-bonding ang tatlo niyang anak na sina Angelina, Samantha at Francheska sa iba pang mga anak ni Cesar.

“Siguro because it’s been almost ten years ng separation namin. At kahit na anong lalim naman yan, kapag nasugatan ka, naghi-heal, di ba?

“So I think, in God’s perfect time, nag-heal kami pareho, and nakita namin na naging maligaya ang mga anak namin nong magkaroon ng relationship,” ang pahayag ni Sunshine sa isang virtual presscon.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“It just started last year, 2022 na nagkaroon ng forgiveness and mismong ang mga anak ko nga, sa interview, sinasabi nila na yung peace sa puso nila, nabuo nong nagkaroon sila ng relationship with their dad,” dagdag niya.

“And bilang mom, who am I not to be happy sa nangyari? And nakakatuwa lang talaga, even yung partner ni Cesar ngayon, napakabait. Minahal niya ang mga anak ko at tinanggap niya ang mga anak ko,” sabi pa ng aktres.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Natutuwa rin si Sunshine dahil maganda na umano ang relasyon ng kanyang tatlong anak sa kanilang ama na si Cesar.

“They now have a beautiful relationship with their father, so, hindi na lang ako ngayon ang nakakakapag-advice.

“Nariyan na rin si Cesar at nandiyan na rin ang kanilang Tita Kath para suportahan at mag-advice sa kanila,” aniya pa sa nasabing panayam.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“Nagkaroon ng relationship bigla yung mga anak nila ni Cesar sa mga anak namin, so ang sarap sa pakiramdam,” dagdag niya.

“And itong New Year, nong malaman nila na nakapag-schedule kami at nakapagpa-book sa Bohol, biglang nagdesisyon sila na sasama raw sila sa amin.

“So sabi ko, why not, di ba? Kasama si Diego (Loyzaga) and it was fun, it was fun. Ang sarap-sarap sa pakiramdam. Nagkaroon ng forgiveness and magkakaibigan lahat,” ani Sunshine.
Photo credit to the owner

Samantala, may kumalat na fake news kamakailan sa social media kung saan ay nabuntis umanong muli ni Cesar si Sunshine at agad naman itong itinanggi ng aktres.

FAKE NEWS! I’ve been sent a few videos about this fake news spreading and nagtataka nga ako na may mga bumabati at congratulate sakin,” pahayag ni Sunshine sa kanyang Facebook post.

Aniya, napilitan siyang maglabas ng reaksyon patungkol dito dahil marami umanong netizens ang naniniwala sa kumakalat na fake news.

"Since meron pa ring napapaniwala ang as respect sa partner at bagong pamilya ni Cesar, gusto ko sabihin na wala pong katotohanang buntis ako at magpapakasal sa aking ex-husband," dagdag ni Sunshine.

Sa ngayon ay wala na ang nasabing video sa Youtube.


***

No comments:

Post a Comment