Thursday, January 19, 2023

Video ng panunulak ni Alex Gonzaga sa isang dancer, viral; Dancer nagsalita: "Imbyerna sa personal"

Mainit na diskusyon sa socal media ang nangyaring pamamahid ng icing ng aktres-vlogger na si Alex Gonzaga sa isang waiter sa kanyang ika-35 na kaarawan.
Photo credit to the owner

Samut-sari ang naging reaksyon ng mga netizens sa naging asal ni Alex at karamihan ay nakisimpatya sa waiter.

Marami ang nainis at nagalit sa ginawa ni Alex kaya maging ang video niyang noong 2015 ay muling lumutang.
Photo credit to the owner

Sa video ay mapapanood na sumasayaw si Alex kasama ang kanyang mga back up dancers.

Habang sumasayaw ay biglang itinulak ni Alex papalayo sa kanya ang isa sa mga dancers at maririnig umano ang salitang “Doon ka nga.”

Narito ang video sa ibaba:

Naganap ang mga pangyayari sa party ng isang BPO company.

Hindi naman matukoy kung nagbibiro lamang o seryoso ba ang aktres-vlogger sa kanyang ginawa.

Samantala, sa comment section ay nagsalita ang dancer na si Sherrie Lopez. Aniya, hindi niya nagustuhan ang ginawa sa kanya ni Alex.

“Imbyerna si ateng sa personal eh. Titisurin ko ko sana.”

Aniya, gusto raw ni Alex ay nasa kanya lamang ang sentro ng attraction at ayaw nitong masapawan.


Wala namang inilabas na reaksyon si Alex noon patungkol sa nasabing video.


***

No comments:

Post a Comment