Kamakailan ay nag-viral muli ang aktor na si John Regala matapos nitong humingi ng tulong pinansyal sa kanyang mga kaibigan at nakatrabaho sa showbiz ngunit hindi na umano nila siya pinapansin.
Photo credit to the owner
“Mga kapatid ko sa industriya ngaun ko napatunayan na wala kayong pag ibig sa akin,” saad ng aktor.
Samantala, kumakalat din ngayon sa social media ang lumang news clip kung saan mapapanood ang aktor na may kaalitang taxi driver.
Bakas na bakas pa kay Regala ang maayos na kondisyon ng kalusugan.
Sa video ay gigil na gigil si Regala sa taxi driver na kinilalang si Rafael Sabuhala. Kahit nasa police station na sila at may camera ay hindi pa rin nagpapaawat ang aktor.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ayon sa mga saksi, nasaktan na raw umano ni Regala ang taxi driver sa gitna ng kalsada bago pa dumating ang mga otoridad.
“Sige magdemanda siya, hihingi siya ng pera sakin? Bibigyan ko siya ng pera pero bubugb0gin ko muna siya!” ani Regala.
Ang insidente ay nangyari noong 2008, ilang taon bago makuha ni Regala ang kanyang best supporting actor award sa kanyang pagganap sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.
John Regala / Photo credit to the owner
John Regala / Photo credit to the owner
Hindi naman malaman kung ano na ang nangyari sa pagitan ng dalawa dahil hindi na nagkaroon pang muli ng news update patungkol dito.
Samantala, kumakalat ngayon ang komento ng anak ng taxi driver na sinaktan noon ni Regala.
Sa Facebook post ni Aileen Dreyfus, na isa rin ngayon sa mga nakaka-alitan ni Regala, ibinahagi niya ang comment ni Znhav Smiley Orendain na nagpakilalang anak ng taxi driver.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ayon sa kanya, nanalo ang kanyang ama sa kasong isinampa sa aktor ngunit kahit piso ay wala umano itong natanggap na pera.
“My dad won the case and nhe never gets any single cents from Mr. Regala,” dagdag pa niya.
Ito rin diumano ang pinakamasakit na nangyari sa kanilang pamilya dahil napakabait daw ng kanyang ama at hindi ito nararapat na saktan.
“It was the most painful feeling to see your father being treated bad which he doesn’t deserve and I can’t do anything that time because I’m working overseas,” ani Orendain
Ayon kay Orendain ay nasa mabuting kondisyon ang kanyang ama at wala itong sakit na iniinda.
Taong 2020 nang kumalat sa social media na mayroong malubhang sakit ang aktor at nangangailangan rin ito ng tulong pinansyal.
Matapos mag-viral ang kanyang larawan, maraming artista ang nagpa-abot ng tulong sa aktor.
Photo credit to the owner
Subalit hindi natuloy ang pagtulong nila kay John dahil anila, gusto lamang daw gamitin ng aktor ang perang ibinibigay sa kaniya para sa sariling bisyo.
***
Source: Pinoy Trend
No comments:
Post a Comment