Sunday, February 5, 2023

Isang guro, nag-resign dahil naapektuhan ang mental health: “Mahal mo yung pagtuturo pero di ka masaya”

Karamihan sa atin ay hindi alam ang hirap at sakripisyo ng isang guro. Para sa iba ay napakadali lamang ng kanilang trabaho. Yung tipong gagawa lamang ng lesson plans at ituturo sa mga bata pagkatapos ay relax na. Ang hindi nila alam ay bahagi lamang ito ng araw-araw na nilang gawain. 
Photo credit to the owner

Bukod sa mga lesson plans ay napakarami ring paperworks at reports ang kailangan gawin ng mga guro sa loob ng isang taon.

Napakaganda mang propersyon ang pagiging guro, ngunit hindi lahat ay nagtatagal dito. Kailangan mo ng matinding dedikasyon, pagsisikap, pagtitiis, lakas ng loob at mahabang pasensiya.

Samantala, isang guro ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa pagtuturo sa loob ng ilang buwan.

Ayon kay Clara (hindi niya tunay na pangalan), isang public school teacher, ang pagiging guro ay ang pinakamalaking pagsubok na hinarap niya sa kanyang career.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Kwento ni Clara, ang kanyang sariling ina ang naging inspirasyon niya sa pagiging guro. Pagkatapos niyang makapasa sa licensure exam ay agad siyang naghanap ng eskwelehan na mapagtuturuan.

Medyo may alinlangan pa noon si Clara na makakapasa sa mga eskwelahang inapplyan niya dahil kulang daw siya sa experience at trainings. Ngunit maswerte siyang nakapasok kaya naman iniwan niya ang kanyang trabaho sa BPO industry.

Ngunit ilang buwan lamang ang lumipas ay nag-resign na si Clara.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Akala ko madali, akala ko lang pala yon. In college they taught us different strategies with different kind of learners. Ayyyy! Naloka ako besh! May mga bata talagang walang nag wowork kahit anong tumbling gawin ko para makabasa sila,” sabi ni Clara.

Though, may ibang aspect na mag eexcel naman talaga ang bata. But we are after the number of students na makakabasa. Di naman sila after kung may ibang nagawa ka para sa bata. Kailangang makabasa para masabing magaling ka na teacher!!!” dagdag nito.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Dumating rin daw sa punto na kahit sa kanyang pagtulog ay naiisip pa rin ni Clara ang kanyang mga studyanteng hindi nakakabasa.

Minsan ay naiiyak na lamang siya dahil hindi niya alam kung papaano niya ipapasa ang mga bata.

There are nights na magigising ako unang papasok sa isip ko yung mga students ko na di pa nakakabasa. Maiiyak ka na lang. Paano ko sila ipapasa? Yung frustrations ko sa school nadadala na sa bahay. There are stuff that I can no longer do,” saad ni Clara.

May mga pagkakataon rin na wala na siyang oras sa kanyang pamilya dahil naapektuhan na ng stress ang kanyang buhay.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Pwede pala yon, mahal mo yung pagtuturo pero di ka masaya. This may sound mababaw but I want to prioritize my mental health. I want to save myself from words that will no help my professional growth,” sabi ni Clara.

Ayon kay Clara, hindi niya sinasabi ito upang madiscourange ang ilang kabataan na nangangarap maging isang guro. Aniya, magkakaiba ang kapalaran ng mga tao. 

Aniya, nais lamang niyang ipaalam sa lahat na hindi madaling trabaho ang pagiging isang public school teacher. 

Public school teacher, magandang pakinggan pero hindi madaling pagdaanan.”


***

No comments:

Post a Comment