Ang ugali ng isang tao ay depende sa kanilang mga naging karanasan sa buhay at sa mga taong kanilang nakakasama. Kaya napakahalaga sa mga magulang na maging mabuting modelo sa kanilang mga anak nang sa gayun ay hindi sila madaling maimplewenshahan ng mga pangit at masasamang gawi.
Vice Ganda / Photo credit to the owner
Minsan, dahil sa kapabayaan ng mga magulang ay nagagaya o natututo ang mga bata ng maling asal dahil sa kanilang napapanood sa telebsiyon.
Kaya bilang mga magulang, dapat ay lagi tayong nasa tabi ng ating mga anak upang magabayan at maituwid natin sa kanilang mga pagkakamali.
Samantala, mabilis na nag-viral sa social media ang open letter ng isang guro para kay Vice Ganda kung saan nakikiusap itong baguhin ang istilo ng komedyante sa pagpapatawa.
Sa Facebook page na ‘911 Philippines Supporters’, ibinahagi ang nasabing open letter na ngayon ay umabot na sa 5.9k reactions, 1k comments at 5.1k shares.
Ayon sa guro, napakalaki ng naging impluwensiya ni Vice Ganda sa mga kabataan. Dahil raw kay Vice ay natuto ang kabataang “mambara, mambully at mang asar ng kapwa.”
Aniya, natatakot raw siya dahil maraming kabataan ang gumagaya sa estilo ng pagpapatawa ni Vice.
adsbygoogle.js">
Sa huli, hangad raw ng guro na "maibalik ang malinis at may respetong pagpapasaya ng tao. Isa akong guro at hindi ko na masikmura pa kung ito pa'y magpapatuloy.”
Narito ang buong open letter ng guro:
“To Vice Ganda:
Vice, natatakot ako.
Natatakot ako bilang isang guro at bilang isang pilipino.
Natatakot ako sa kahihinatnan ng pagpapatuloy ng iyong impluwensiya sa industriya lalo na ang istilo ng iyong pagpapatawa.
Batid kong wala akong karapatang manghusga sayo o isisi sayo ito ngunit batid din nating lahat na anlaki ng naging impluwensiya mo rito.
Bilangin mo kung ilan ng kabataan ngayon ang naimpluwensyahan mong mambara, mambully at mang asar ng kapwa.
Nakakakilabot. Ngayon ko lang mapagtanto:
SA PANANDALIANG ALIW NA IYONG NAIBIBIGAY AY KAPALIT PALA ANG PANGMATAGALANG PAGBABAGO NG KULTURA AT ASAL NG KABATAANG PILIPINO. Hindi pala siya masaya. Hindi pala siya makatao. Dalangin ko'y ito'y mabago. Hangad namin maibalik ang malinis at may respetong pagpapasaya ng tao. Isa akong guro at hindi ko na masikmura pa kung ito pa'y magpapatuloy.”
In the end, the teacher simply asked Vice to change his way of entertaining people.
No comments:
Post a Comment