Thursday, April 20, 2023

Babaeng acrobat, nasawi matapos malaglag habang ginagawa ang aerial performance

Malagim na trahedya ang nangyari sa aerial performance ng mag-asawang Chinese acrobat matapos malaglag ang babae nang hindi siya masalo ng kanyang mister.
Photo credit to the owner

Nasa 30 feet ang taas ng mag-asawa habang nagpe-perform ng acrobatic stunt sa ere. 

Nahulog ang babae na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.

Nangyari ang hindi inaasahang pangyayari sa Suzhou, Anhui Province ng China noong April 15, 2023.
Kinilala ang mag-asawa na sina Sun at Zhang na parehong 37 anyos.

Nakuha rin sa video ang malagim na pangyayari. Nagpahayag ng puna ang mga tao sa social media, gaya ng kawalan ng safety measures, tulad ng safety net at cables sa mag-asawang acrobat.
Photo credit to the owner

Mapapanood ang mag-asawa na inangat ng cable: ang dalawang braso ng lalaki ay nakapulupot sa fabric na nakatali sa cable, habang ang babae ay ka-level at nakatapak sa paa ng kanyang mister.

Kasunod nito ay napayakap ang babae sa leeg ng lalaki. Makikitang nakalawit ang mga paa ng babae sa ere.

Nakapangingilabot ang sumunod na pangyayari: nabitawan ng babae ang pagkakayakap niya sa mister. Sinubukan ng mister na saluhin pa sana ang misis gamit ang kanyang paa, subalit nagmintis.

Nahulog ang babae 30 feet below.
Photo credit to the owner

Agad na isinugod ang babae sa ospital ngunit binawian na ito ng buhay.

Ayon sa report ng New York Post, nagkaroon pa umano ng argumento ang mag-asawa dahil tumanggi si Sun (babae) na maglagay ng safety line.

Itinanggi naman ni Zhang na nagtalo sila ng kanyang misis.

“We were always happy together. There was no fight,” aniya sa Yangzi Evening News.

Nangako naman ang mga awtoridad na magsasagawa sila ng masusing imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Lumalabas sa initial investigation na kinontrata ng isang local farm business owner ang Anhui Yaxi Performing Arts Media Company na pangunahan ang pagtatanghal.

Subalit nabigo ang kumpanya na makakuha ng permit mula sa mga awtoridad. Hindi rin nagtalaga ang company ng safety measures during the performance, ayon sa imbestigasyon.

Ayon naman sa state-run news site na The Paper, ipinagmalaki pa umano ng host sa audience na ang mag-asawa ay walang safety measures para magmukhang totoo ang kanilang performance.

Sinabi sa ulat na ang couple ay sampung taon nang kasal at may dalawang anak.

Magbibigay ng compensation ang kumpanya sa naiwang pamilya ng biktima.


***
Source: PEP

No comments:

Post a Comment