Monday, April 24, 2023

Isang security guard, kasama ang anak sa duty para maalagaan

Ang pagmamahal ng isang magulang sa kanilang mga anak ay walang kapantay. Kahit hirap na sila sa kanilang pagtatrabaho ay hindi nila maaaring pabayaan ang mga ito.
Photo credit: Jeff Magno

Kung tutuusin ay napakahirap magtrabaho habang may batang inaalagaan dahil nahahati ang iyong atensyon.

Subalit marami pa rin ang gumagawa nito. Hindi dahil sa gusto nila, kundi dahil wala naman silang magawa dahil sa sitwasyon. Katulad na lamang ng isang security guard sa isang pawnshop na ibinahagi ng netizen na si Jeff Magno.

Kwento ni Jeff, nakapila siya sa loob ng pawnshop kasama ang pamangkin ng mapansin niya ang security guard at isang bata.

Dahil na-curious siya, tinanong ni Jeff ang security guard at mas lalong naantig ang kanyang puso sa nalaman. 
Photo credit: Jeff Magno
Photo credit: Jeff Magno

Nalaman ni Jeff na may sakit pala ang bata at ipinanganak pala itong pre-matured.

Wala raw talagang mag-aalaga sa bata kaya naman ang naging solusyon ng ama ay dalhin na lamang ang kanyang anak sa trabaho upang mabantayan ito at maalagaan.

Mabilis namang kumalat na parang apoy sa social media ang kwento ng mag-ama. Maraming netizens ang humanga sa security sa pagiging huwarang ama nito. 
Photo credit: Jeff Magno

Marami rin ang pumuri sa may-ari ng nasabing pawnshop dahil naiintindihan niya ang kalagayan ng security guard. 

Narito ang buong post ni Jeff:

“Share ko lang po.

Kaninang tanghali sa Cebuana Lhuillier sa Pacita branch habang kami ay nakapila ng aking pamangkin naantig ang puso ko sa isang security guard na may bitbit na bata habang sya'y naka duty. Tinanong ko si manong guard kung may sakit ba yung anak nya, ang sabi nya saakin pinanganak kasing pre-matured ang anak nya kaya matamlay ito. Nabilib lang ako sa kanya dahil sinisikap nyang pagsabayin ang kanyang trabaho at pag-aalaga sa kanyang anak. Saludo ako sayo manong guard napakabuti mong ama!”

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:

"Kudos din po dun sa employer ni manong guard kc naiintindihan ang sitwasyon nya at pumayag na magduty si manong kasama ang anak nya..," sabi ni Angela Villanueva Bañaga.

"Saludo aq sau isa kang dakilang ama sa totoo lang d aq mahilig mag comment sa ganitong post kaso sau manong napabilib mo q.. Ramdam kita kung nasa ganyan din ang kalagayan ng anak q...," sabi ni Benedict Sungalon.

"Sana may mga ama pang kagaya mo manong guard saludo aq sau godbless u po sa pagiging mabuting ama sa anak mo..," sabi ni Ariana Cassandra.

"Wow ang galing ni kuya talaga napakabuti at dakilang tatay sana marami pa ang katulad mo sana ingatan kau ng ating PAPA JESUS sa araw2 u na pag ttrabaho. May God bless u always," sabi ni Melinda Garcia.

"Ang hirap nyan..paano kung may mga masasamang loob na sumasalakay..eh imbes na dinala sa work para maalagaan..tuloy mapahamak pa kayo nyan..kuha ka nalang ng yaya I suggest," sabi naman ni Kieshameomy Grapes.

"2 thumbs din aq sa may ari ng Cebuan Lhuillier dahil ok lang sa kanila na kasama ni manong guard sa kanyang duty ang kanyang anak. At kay manong guard at sa kanyang pamilya wag kaung mawalan ng pag asa lagi lang manalangin sa DIYOS, at mag tiwala sa kanya. God bless po.!" sabi ni MJohnny De Leon.


***

No comments:

Post a Comment