Tuesday, April 25, 2023

Paolo Contis, nalungkot na tila ‘demonyo’ ang tingin sa kanila ni Yen Santos

Sa isang interview kay Paolo Contis ng entertainment reporter na si Nelson Canlas, sinabi ng aktor na ikinalungkot niya ang pag-demonize ng publiko sa kanila ng aktres na si Yen Santos.
Photo credit to the owner

“It’s sad to say na super na-demonize kami pareho in terms of, parang super laki. Katulad nga ng sinabi mo pagdating mo kanina, ‘Oh! The world’s hatest man’,” sambit ni Paolo.

“Natuto na ako. And aminin naman natin, there is too much hate for me… para sa akin, so what? As long as quiet ‘yung sa aming dalawa, then so be it,” dagdag niya.

Sinabi rin ng Kapuso actor na may advantage ang pagiging quiet ng relationship nila ni Yen.

“I guess being in a quiet relationship, feeling ko mas may advantage. She’s a very private person. Walang comparison [among my exes]. Again, people don’t know what happens behind closed doors. Kung ano man ‘yung nakita ko dati, iba rin ‘yung mga nakikita ko ngayon. Sa amin, it works because we’re both quiet with our personal lives,” saad pa ni Paolo.

Samantala, nagsalita rin siya tungkol sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes.

Aniya, maraming factors kung bakit napunta sila sa hiwalayan stage ni LJ pero inaamin naman niya na may nagawa siyang pagkakamali pero aniya, “Marami pang hindi alam ang tao about the whole picture.”

Sa ngayon ay sinusubukan daw ni Paolo na mabisita ang anak nila ni LJ na si Summer na nasa New York.

Nakikipag-usap daw siya sa abogado ni LJ. Miss na miss na raw kasi niya si Summer dahil magdadalawang taon na itong nakatira sa Amerika.

Matatandaang noong 2021 matapos ang hiwalayan kay Paolo ay lumayas sa Pilipinas si LJ at nagpunta sa Amerika bitbit ang mga anak na sina Summer at Aki.


***
Source: Abante

No comments:

Post a Comment