Sunday, September 17, 2023

Anak ng pedicab driver, nakapagtapos sa kolehiyo bilang isang Magna Cum Laude

 Isang anak ng pedicab driver sa Bicol ang nakapagtapos sa kolehiyo bilang isang Magna Cum Laude.
Sandra Estefani Ramos / Photo from Facebook

Si Sandra Estefani Ramos ay nakapagtapos bilang isang Magna Cum Laude sa kursong Bachelor in Secondary Education sa mataas na paaralan ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology.

Marami ang humanga at talagang naantig sa kwento ng buhay ni Sandra.

Ayon kay Sandra, napakaraming estudyante na talagang mas magagaling at matatalino kaysa sa kanya. Ngunit nang dahil sa kasipagan at pagtitiyaga ng kanyang ama maitaguyod lamang ang kanyang pag-aaral, ito ang kanyang naging inspirasyon upang magsikap sa kanyang pag-aaral.
 Sandra Estefani Ramos / Photo from Facebook
Sandra Estefani Ramos / Photo from Facebook

Until now, I didn’t know how I was able to achieve this award. Even if I know that there are other students more intelligent than me, I still do my best. Even if I didn’t know how, I do know the people who are the reason why I became Magna Cum Laude,” ito ang sinabi ng dalaga sa isang interview.

Ayon sa kanyang Ina na si Cyril Ramos, nabanggit nito na ang kanyang asawa na si Renato ay laging inuuna na prayoridad ang mga gastusin ng kanyang anak sa paaralan tulad ng mga proyekto at pamasahe; at ang natira namang pera ay nakalaan na para sa pagkain.
Sandra Estefani Ramos / Photo from Facebook

Photo credit: Sandra Estefani Ramos

Ayon naman sa isang School Associate Professor na nakakakilala kay Sandra, si Professor Ronnie Rubi, inilarawan niya si Sandra bilang isang mapagkumbaba, simpleng tao, at natatangi na nakaranas ng napakaraming pagsubok sa buhay.


***

No comments:

Post a Comment