Monday, September 11, 2023

Atom Araullo nagsampa ng P2M civil complain laban kina Lorraine Badoy at Jeffrey "Ka Eric" Celiz dahil sa red-tagging

Nagsampa ng 2 million damage suit ang news caster na si Atom Araullo laban kina dating communications undersecretary Lorraine Marie Badoy at Jeffrey “Ka Eric” Celiz dahil sa red-tagging.
Photo credit to the owner

Ito ay dahil sa “paninirang puri” umano ng dalawang Sonshine Media Network International (SMNI) hosts laban kay Atom sa telebisyon at social media.

Ayon sa ABS-CBN, sinamahan ni Atty. Tony La Viña si Atom at ang mga magulang nito sa Quezon City prosecutor’s office.

Sa report naman ng CNN Philippines, nagpasaya umano si Atom na magsampa ng kaso upang protektahan ang kanyang pamilya at dahil ipagtanggol ang press freedom.

"Pinili kong ipagkibit-balikat ang mga paratang lalo't walang katuturan ang mga ito. Ngunit dahil delikado ang disinformation, lalo kung hahayaan lamang, nagpasya akong manindigan. Ginagawa ko ito para sa kaligtasan ng aking pamilya, ngunit sana ay maka-ambag din ito kahit papaano sa pagtatanggol ng press freedom sa kabuuan," pahayag ni Atom.

Samantala, noong July ay nagsampa na rin ng kaso ang ina ni Atom na si Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Emeritus Chairperson Carol Pagaduan Araullo, laban kina Badoy at Celiz.

Ayon kina Badoy at Celiz, si Atom umano ay isang “communist operative” at ang ina naman nito ay isang high ranking official o recruiter ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.


***
Source: KAMI

No comments:

Post a Comment