Monday, September 18, 2023

Pinoy isaw vendor sa New York, kumikita ng P800k kada buwan

Isang Filipino mula sa New York ang talagang napakaswerte dahil kumikita ito ng P800k kada buwan sa pagtitinda ng isaw, betamax, adidas at iba pang street food.
Photo credit: Boy Isaw | IG

Dinala ni Robin John Calalo sa Amerika ang mga sikat street food natin dito sa Pilipinas.

Binansagan si Robin na “Boy Isaw” sa New York dahil sa dami ng kanyang customer na talagang pumipila matikman lamang ang kanyang street food.

Sa isang interview ng GMA, sinimulan raw ni Robin ang pagtitinda sa halagang $50 o P2,500 na puhunan. Ito raw ang naisip niyang gawin matapos siyang matakam at ma-miss ang street food sa ating bansa.
Photo credit: Boy Isaw | IG
Photo credit: Boy Isaw | IG

Ang maliit na puhunan ay kumikita na ngayon ng P200,000 kada linggo o P800,000 kada buwan.

“I decided to buy from market with $50 then I cooked. I prepared a lot then I sold it. The first one who bought from me are friends and family,” pahayag ni Robin.

Hindi lamang mga kapwa Pinoy ang customers ni Robin, maging mga foreigners ay bumibili rin ng kanyang paninda.

Nagsimulang magtinda si Robin noong 2019.
Photo credit: Boy Isaw | IG

Ayon sa isang Instagram post, “Robin sells his Pinoy street food faves on food fairs and online. He makes ready-to-grill street food products on sticks for his customers who prefer to grill at home. Based on his Instagram post, Robin sells adidas, betamax, isaw, hotdog, chicken and others for  $3.50 or appropriate P175 per stick. To complete the Filipino experience, he also offers a cup of rice for $2 or P100. He has a promo of $14 or P700 for 3 sticks with drinks. According to his posts, his chicharon bulaklak is also a bestseller.”

Aside from being a street foods seller, Robin is also a fitness instructor in the U.S.

Bukod sa pagiging street food vendor, isa ring fitness instructor sa U.S si Robin.

Aniya, ang kanyang tagumpay ay dahil sa kanyang pagsisikap at pagiging masipag.

“Isaw-Ihaw sa New York! Sabi nga ni Kuya Kim, pagdating sa negosyo mapa-Pilipinas man o ibang bansa, HARDWORK is the KEY!”


***
Source: BusinessNews

No comments:

Post a Comment