Sunday, October 8, 2023

Ang tagapagmana ni Willie Revillame! Nag-iisang anak na lalaki ni Willie, ipinakilala na sa publiko

Si Wilfredo Buendia Revillame o kilala bilang si Willie Revillame ay isang Filipino television host, singer, song writer, businessman, actor and comedian.
Photo credit to the owner

Si Willie ay nagmula rin sa mahirap na buhay kung kaya't ramdam din nito ang hirap ng ating mga kababayan na sumasali sa kanyang palabas.

Gayunpaman ay sa wakas ipinakilala na rin niya sa publiko ang kanyang pinaka-mamahal na bunso at nag-iisang anak na lalaki na si Juamee Revillame.

Si Juamee ang lalaking bunsong anak ni Willie sa dati nitong asawa na si Liz Almoro. Matatandaan na naghiwalay din ang dalawa matapos magsampa ng petisyon sa korte si Liz upang ideklarang walang bisa ang kanilang kasal. 

Larawan mula sa Famous

Matatandaan na may mga ilang babae na dumating sa buhay ni Willie ngunit tila wala pa rin napapabalitang kanyang magiging kasama sa kanyang pagtanda.

Si Willie ay may apat na anak at ang kanyang panganay na babae na si Mary Rosalind Soriano Revillame o kilala bilang si Meryll Soriano ay pinasok na rin ang mundo ng showbiz.

Dati na rin niyang ipinakilala ang dalawa pa niyang anak na babae sina Louise Anne, at Marimonte, ngunit ang hindi naman alam ng karamihan ay mayroon pala siyang anak na lalaki na si Juamee Revillame.

Ipinakilala ni Willie Revillame sa publiko ang kanyang anak na si Juamee sa “Tutok To Win” segment ng “Wowowin".
Larawan mula sa Famous
Larawan mula sa Famous
“At siyempre ang aking bunso, ang nag-iisa kong anak na lalake. Si Juamee Revillame,” banggit ni Willie.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ni Liz ang kanilang anak na lalaki ngunit hindi naman ipinagdadamot ng babae kay Willie si Juamee at kahit na anong oras ay maaari nitong bisitahin ang kanyang anak.

Ayon kay Willie, siniguro na umano niya ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga anak lalo na ang mga bagay na kakailanganin nila sa kanilang future.
Larawan mula sa Famous
Larawan mula sa Famous


***

No comments:

Post a Comment