Nananawagan ang isang local radio journalist na sana ay tangkilin ng publiko ang paninda ng isang binata mula sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur.
Juan Marco III / Photo credit: Gelo Abugao
Ayon kay Gelo Abugao, nagtitinda ng leche flan si Juan Marco III dahil gusto nitong matapos ang kanyang pag-aaral at gumaling.
Walang kasing-tamis ang mga ngiti ni Juan matapos na maka-graduate sa senior high sa Quipayo National High School noong Hulyo 6, dahil sa araw-araw na paglalako ng leche flan.
Bitbit ang ilang cooler, nag-iikot si Juan, 19, sa mga bahay-bahay, opisina at iba pang matataong lugar upang ibenta ang leche flan na luto ng kanyang ina.
Napakalaking tulong na umano ng kanyang kinikita sa pagtitinda ng panghimagas dahil maliit lamang ang kinikita ng kanyang amang traffic enforcer sa Bacoor, Cavite.
Mula pa pagkabata ay iniinda na ni Juan ang sakit sa bahagi ng kanyang puson dahil sa inguinal hernia.
Dahil sa araw-araw na pagbubuhat niya ng mabigat, mas lalo umano niyang nararamdaman ang sakit.
Photo credit to the owner
Bukod sa makaipon ng perang pampa-opera, dapat aniya siyang magsipag para may pang-matrikula sa kursong nais kunin sa kolehiyo.
“Noon pa man gusto ko ng makapagsuot ng uniporme ng pulis na mismong apelyido ko ang nakalagay. Gusto kong maging isang malinis na pulis na matapat na nagsisilbi sa bansa,” saad nito.
Juan Marco III / Photo credit: Gelo Abugao
Juan Marco III / Photo credit: Gelo Abugao
Kinuhanan ni Gelo Abugao ng retrato ang binata nang minsang makasabay sa isang opisina dahil sa pagkamangha sa kasipagan nito.
Aniya, tangkilikin sana ng publiko ang paninda ng binata bilang suporta sa kagustuhan nitong makapag-aral at gumaling.
“Kung inyo pong makita si Juan, baka naman po pwede niyo mabilhan mga kaibigan,” hiling ng local radio personality.
“Tuloy lang, pasasaan ba at makakamit mo din ang iyong pangarap, Juan.”
***
Source: Gelo Abugao | Facebook
No comments:
Post a Comment