Saturday, October 7, 2023

Makeup artist, dismayado sa kaibigan na humirit ng "kala ko libre kapag kakilala" kapalit ng kanyang serbisyo

Viral ngayon sa social media ang post na ito ng makeup artist na si Izza Arce kung saan makikita ang screenshot ng kanilang usapan ng isa niyang kliyente.
Photo credit to the owner

"Attention po sa mga suppliers na nagrereffer samin mga makeup artist at sa mga bebe gerl out there na hobby na ata mambarat ng mga makeup artist," sambit niya sa caption.

Ayon kay Izza, hindi biro ang kanilang ginagawa bilang makeup artist dahil aniya (1) gumagastos sila sa sariling bulsa upang may magamit na pang-makeup, (2) pareho lamang ng produkto na ginagamit ang mapa-simple o mapa-heavy na makeup service, at (3) mahirap mismo ang paggawa nito, na karamihan pa ay sumasali ng seminar o kompetisyon upang mapausbong ang kanilang kakayahan.

"Just simple reminder lang po para ma uplift kaming mga makeup artist. Gusto ko lang talaga mainform yung lahat na wala na pong mura sa panahon ngayon," sabi nito sa kaniyang panayam sa Pilipino Star Ngayon Digital.
Photo credit to the owner

Narito ang buong post ni Izza:

“FREE MAKEUP / 300 pesos okada ka pa nakacheck in ha.

Attention po sa mga suppliers na nagrereffer samin mga makeup artist  at sa mga bebe gerl out there  na hobby na ata mambarat ng mga makeup artist. 

Una po sa lahat, yung makeup po na ginagamit namin sa mukha ninyo, binibili din po namin yon. Gumagastos din po kami. Hindi po namin pinupulot lang ang mga makeup na yon. Hindi din po free ang trial makeup. pano pag hindi nakuha ung gusto nyong peg ibig savihin thank you gurl nalang...

Pangalawa po, simple or pak na pak na makeup, same process padin po yun.pareho lang po ng product na ginagamit ang simple at heavy makeup sa kulay lang po na nilalagay sa mukha nyo iibahin.. Ganong simple po ba ang gusto nyo? Polbo at liptint lang? Sige po. Payag na libre kung ganun kasimple. Hehez. 

Pangatlo po, hindi po madali mag makeup. Masakit po sa likod hahaha. Kung akala nyo po madali lang nag bibigay po kami ng oras para mapaganda namin kayo ang karamihan po samin nagseseminar at lumalabang ng competition para maenchance ang aming talent at maibigay ung gusto nyo depende sa USO O IN ngayon.. Pero wala naman pong trabahong madali. Ito naman pong pag memakeup e hindi po araw araw may client so hindi po kami/sila araw araw may kita.
Photo credit to the owner

Sana naman mga beshies wag natin baratin ang mga makeup artist. Kahit pa kakilala natin sila. Alisin natin yung "LIBRE NA. KAKILALA NAMAN E." 

Kung may kakilala kang makeup artist suportahan mo sya and kung mag papaayos ka sa kanya, kung ano price na bigay nya, wag mo ng baratin. 

Di naman kasi araw araw may client yan. Lahat namn po kami nagsimula sa mumurahin gamit pero unti unti naguupgrade kami hanggang maging branded na lahat ng gamit namin.. ..

ISANG PAALALA LANG PO WAG PO SANANG MASAMAIN…”
Photo credit: Izza Arce

Narito naman ang iba't ibang opinyon ng netizens sa comment section ng post.

"Pwede sa mall magpa make up. FREE don," hirit ng isa.

"Ekis yan mama. Hahaha Willing to pay pag gusto gumanda ganern!," komento naman ng isa pang netizen.

“Business is business. Pwedeng humingi ng discount pero huwag magpapalibre. Sa paghingi naman ng discount, wag kayo ang magsabi kung magkano dapat ang presyo,” sabi ng isa pang netizen.


***

No comments:

Post a Comment