Humingi ng paumanhin si Jam Ignacio sa kanyang fiancée na si Jellie Aw matapos umano niyang bugbugin ito sa loob ng kanilang sasakyan.
Photo credit to the owner
Sa isang panayam kay Jam ng GMA, sinabi niyang umaasa pa rin siyang matutuloy ang kanilang kasal ni Jellie.
Itinanggi rin niya ang mga balitang nagtatago siya mula sa mga awtoridad matapos ang insidente ng pambubugbog kay Jellie, at sinabi niyang naghihintay lamang siya ng tamang pagkakataon upang harapin ang kasong isinampa laban sa kanya ni Jellie sa National Bureau of Investigation (NBI).
“Sa mga kapatid, sa mga kaibigan, heto, heto ako, haharap sa inyo, humaharap na humihingi ng taos-pusong sorry, sorry, sobrang sorry lalo na sa family ni Jellie, Ma, sorry Ma,” pahayag ni Jam, ang ex-partner ni Karla Estrada.
Idinagdag pa ni Jam na sana mabigyan pa siya ng pagkakataong ayusin ang kanilang relasyon nang pribado at umaasa pa rin siyang makasama habangbuhay si Jellie at bumuo ng pamilya.
Ayon kay Jam, nagsimula ang lahat sa isang hindi pagkakaunawaan na nauwi sa insidente, at marahil ay dulot ng matinding pagod.
“Kumbaga, tao lang din po ako. Napuno lang din siguro ako, na hindi ko sinasabing tama pero hindi ko para i-tolerate na gawin uli. Humihingi ako ng tawad. Pasensiya na talaga, sorry, sorry sa lahat,” dagdag pa ni Jam.
“Hon, alam mo kung gaano kita kamahal. Alam mo yan kung gaano kita protektahan, bantayan. Sorry sa mga nangyari, pinapangako ko sa ‘yo na hindi na mauulit ito, alam mong mahal natin ang isa’t isa. Mahal na mahal kita,” pahayag pa ni Jam.
Hanggang sa oras ng pagsusulat ng balitang ito, wala pang pahayag si Jellie tungkol sa paghingi ng tawad ni Jam.
***
No comments:
Post a Comment