Ang kasabihang kalabaw lamang ang tumatanda ay pinatunayan ng isang lolo mula Barangay Rizal, Babatngon, Leyte. Si lolo Tony Villanueva ay 102 years old na ngunit napakalakas parin at hindi tumigitil sa paghahanap-buhay.
Tony Villanueva / Imahe mula sa Facebook post ni Rhodz Jimenez Casio-Salili
Sa Facebook post ng netizen na si Rhodz Jimenez Casio-Salili, makikita ang mga larawan ni lolo Tony na nagbebenta ng mga duyan.
Ang mga ganitong klase ng duyan ay may kabigatan lalo na sa edad ni lolo Tony.
Ayon kay lolo, ang kanyang sekreto sa pagiging malakas ay ang hindi niya pagkain ng karne at paglalagay ng betsin sa kanyang pagkain. Gulay at isda lamang umano ang kinakain ni lolo.
Tony Villanueva / Imahe mula sa Facebook post ni Rhodz Jimenez Casio-Salili
Nanawagan si Salili sa mga netizen na ishare ang kanyang post upang makarating sa local government ang sitwasyon ni lolo Tony at matulungan ito.
Narito ang buong post:
"LOOK: Pasikatin natin itong si tatay Tony Villanueva from Leyte, 102 years old na po sya pero malakas pa at naghahanap buhay ng marangal, nilalako nya yung paninda nyang duyan sa buong Brgy.Rizal, kahit mabigat ang duyan hindi alintana ang pagod makabenta lang, ang sikreto daw nya sa malakas na pangangatawan ay walang Betsin at Karne, Puro gulay at isda lang daw kinakain nya, paki Share na lang para may bumili ng Paninda nya at makarating sa Local government para matulungan at makuha ang benepisyo nya sa edad nya.."
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
***
No comments:
Post a Comment