Sunday, January 19, 2020

Ricky Reyes sa usaping same-sex marriage: "Paminsan-minsan, tigilan ang pag-iilusyon"

Sa isang interview ng Cabinet Files kay beauty guru at philantrophist na si Ricky Reyes, tinawag nitong “ilusyunada” ang mga baklang naniniwala sa same-sex marriage.
Ricky Reyes / Imahe mula sa PEP

Kamakailan ay nag-trending sa social media ang mga pahayag ni Reyes na gilingin man ang mga bakla, baklang hamburger pa rin.

Pati na ang sinabi niyang kung gusto ng mga bakla ng respeto, huwag silang magsuot ng bestida.

Ang kanyang mga binitawang salita ay nangyari noong naging mainit na diskusyon sa social media ang patungkol sa lesbian, gay, bisexual, transgender (LGBT).
Gretchen Diez / Imahe mula sa CNN Philippines

Ayon kay Reyes, naging "honest" lamang siya tungkol sa pagiging "ilusyonada" ng ibang mga bakla, pero malalaki pa rin naman daw ang mga "nota."

"Diretso akong tao. Bakla ako, pero alam ko na bakla ako. It’s because totoo ang sinasabi ko," bungad ni Ricky.

"Sabi nila, magpakasal daw ang mga bakla. Sabi ko, teka muna, ang pagpapakasal para sa babae at sa lalaki 'yan. Huwag nating bastusin ang Catholic Church.”

"Sinabi ko naman yung totoo. Kasi ang mga bading, we live in the world of illusion,” dagdag ni Reyes.

"Paminsan-minsan, tigilan ang pag-iilusyon at maging totoong tao, di ba?"

Hindi raw sumagi sa isip nina Reyes at ng kanyang businessman partner na si Cris Aquino ang pagpapakasal kahit na almost 5 decades na silang nagsasama.

"Never. Never," ulit ni Ricky.

"I always say, ang ganda-ganda ng samahan namin. Baka kapag nagpakasal, masira pa, huwag na. Everything is running smooth, so what’s the use? Okey lang ‘yon, happy na kami.”

"Kami, we're very religious people. Ako, I go home every day at 6 p.m. para lang magdasal kami ng rosaryo ng anak ko, ng asawa ko."
Ricky Reyes / Imahe mula ABS-CBN

Kung marami ang naki-ayon kay Reyes sa opinyon nito tungkol sa mga bakla na nagbibihis-babae, naranasan din niya na makatanggap ng mga batikos.

Nagbigay rin ng payo si Reyes sa kapwa niya gays.

"Time will come, they will realize kung ano ang totoong buhay. Yung buhay ng bakla, sabi ko nga, ilusyon lang 'yan. Mag-ilusyon ka, pero darating ang araw na gigising ka rin. Parang ako. Dati, girl na girl ako, ang haba-haba ng buhok ko.

"For the longest time, nagmu-mujer ako. Kada-weekend, nag-a-attend ako ng party. Pero dumating ang oras na, 'Teka muna. I have to stop and think about my future.’ Kaya 'yan ang sinasabi ko, dapat ang mga bakla, magtino, magtrabaho, mag-ipon para sa ating kinabukasan."

Nagbigay rin si Reyes ng payo sa mga bakla na biglang yumaman kaya nagkaroon ng "ilusyon" na mga tunay na babae sila.

"Ang dami ko nang nakita na mga baklang biglang naging milyonaryo, biglang naggagasta, nagbisyo, nag-boyfriend.”

"They end up pauper. Pagdating sa dulo, ubod din sila ng hihirap kasi winaldas nila ang pera nila for nothing.

"Ang pera, parang asawa 'yan. Mahalin natin, itago natin, so it will stay with us.

"Kapag winaldas mo 'yan, walang mangyayari."
Ricky Reyes / Imahe mula Philnews

Dagdag pa ni Reyes, naniniwala raw siya na mahalagang paghandaan ang financial security hanggang sa pagtanda.

"Sabi ko nga, dapat mga bakla, maging masipag, magtrabaho nang magtrabaho, at mag-ipon."

"Kasi, at the end of the day, walang pinakakawawang tao sa mundo kundi ang matandang baklang walang pera.

"Magiging katulong ka lang ng kapatid mo. Taga-alaga, taga-linis…

"Hello! We have a beautiful life. Maaga akong nagising sa katotohanan kasi naging nanay at tatay ako ng mga kapatid ko, ng magulang ko, at the early age of 15, so maaga akong naging responsible sa buhay."


***
Source: PEP

No comments:

Post a Comment